Chapter 59: Dumb Me

5 1 0
                                    

WARNING: Read at your own risk. R-18

Lalo lang akong kinabahan ng makitang si Stella pala ang magtatanong. Simple niya lang akong tinignan bago nilipat kay Damian ang tingin.

"Do what LA did earlier." Halos makagat ko ang bibig ko sa inaasahan ko ng sasabihin niya. Bakit ba 'ko may ganitong kaibigan? Ayoko na sa kanilaaaaa.

"Tsk.." Hindi ko na napansin kung kaninong boses iyon ng samaan ko ng tingin si Damian sa tinanong niya.

"To whom?" Naikunot ko ang noo ko. Bakit? May dapat bang babae pa siyang didilaan maliban sakin? Choosy ah.

"Obviously, your girlfriend." Tila nanghinayang siya pero agad rin akong inakbayan bago nginitian.


"Ayaw mo ba sak---"

"I am just kidding." Inirapan ko siya't humalukipkip na lang.

"So, ibig sabihin pumapayag ka, AA? Tanong ni ate habang kumukuha ng kaunting asin. Oo nga pala, nawala sa isip ko. Kinabahan tuloy uli ako.


"H-hind----"


"Why not? Boyfriend mo naman siya."

"Hindi ako komportabl----"

"Damian oh...." Sumbong nito, ni hindi ko na nga mabuo ang sinasabi ko. Kainis.


"Don't be nervous, my sister. This is just a game." Lumapit siya't nilagay ang asin sa aking collarbone na kinariin ng lunok ko. Binigay naman niya agad ang shot ng tequila kay Damian kasabay ng kalahating lemon.


"Mabilis lang naman 'yan, sana ako rin matapatan ng bote." Hinahangad na sabi ni ate. Sa isip ay sana nga sa kanya na lang tumigil para naman hindi ako kinakabahan ngayon.

Nilapit na nga ni Damian ang mukha niya sakin pero bago' yon ay hinawakan na muna niya ang kamay ko. Siguro'y tinatanggal niya ang kaba sa dibdib ko. Ngunit nawala lang iyon ng ngumiti siya sakin sabay sabi ng mga salitang hindi ko inaasahan.

"It's alright to be nervous, Aerah. I love you." Tuloy ay pawang nawala ang kaba ko kasabay ng pagdila niya sa asin na parang sinaglit niya lang himurin.



"Done." Anito habang tinataktak pa ang shot glass. Nakahinga ako ng maluwag saka tumungo, sa palagay ko namula ang mukha ko. Shitttt.

Nagtuloy ang laro at hindi kame pumayag na hindi lahat matatapatan. Kaya naman ng mangyari iyon ay kame na rin ang kusang tumigil sa paglalaro at naging normal na lang na inuman.

Magkakatabi pa rin kame ditong nakahilera ng isang linya habang pinagmamasdan ang buwan. Nakayakap ako kay Damian habang nasa bewang niya ang kamay ko at pinaglalaruan ang bilbil ko.


"Di pa ba tayo papasok? Malamig na." Hindi pa naman nauupos yung bonfire kaso nga lang inuubos muna nila itong alak na natira bago kame matulog.


"Konti na lang to, A." Fair naman ang bigayan, walang lamangan at wala ring nagpapass kaya halos lahat kame ay mahilo-hilo na maliban kay ate Aebi at Stella na hindi tinatalaban ng alak.




"LA, pst, LA." Tawag ni ate Aebi ng mapansing papikit na ito. Lumingon naman agad si LA na pinagtaka niya.

"Ihatid mo na si Lyca sa kwarto niya para makapagpahinga kana rin."

"Pano yung natitira te?" Pagtutukoy niya sa kaunti pang nasa bote.

"Kaya na namin 'yan, sige na. Tulog na yan sa balikat mo oh." Sa saglit naming nagkakilala ni Lyca, siya talaga ang mabilis malasing saming lahat.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon