Chapter 23

19 7 8
                                    

"R-really? How come???" gulat na gulat kong tanong, humarap ako sa kanya ng deretso habang nanlalaki ang mata

"Its a long story, I'll tell you next------" pinutol ko ang sasabihin niya. Dahil nacurious na ako ng tuluyan ay gusto ko na agad malaman kung paanong nangyaring pinsan niya si Lyca. Hindi na ako matatahimik nito hanggat wala siyang nakukwento sakin.

"Ngayon na, nasimulan mo na eh" anang ko sabay nguso.

"I'm tired, I just want------"

"Please kahit konti lang, wala din naman tayong ginagawa eh" pagpupumilit ko pa, nakita kong napakamot siya sa batok bago umayos ng upo katulad ko. Mukhang magkukwento na siya hahahahahah. Ganito ako mamili, maiinis kana lang sakin ng wala sa oras.

"Fine, ang kulit mo pag lasing tsk" napangiti na lang ako ng malaki hahahaha, kala niya hah.

"Well it all started with my aunt, by that time she's only 28 while me is in my adolescent age. Maybe I was only 16 years old back then, first time entering my college life (Walang K-12 dito)" simula niya, nakinig lang ako sa kanya habang nakapangalumbaba sa mesa.

"I always wanted to come and join parties, regular na akong nakakasama sa party ng mga business minded na tao katulad na lang nito. As I attended, I always saw old people and new people with their family and kids. Yes, there are so many pretty and sexy women out there but only one caught my attention, and she is Lyca"

"Hmmm" ani ko kasabay ng sunod-sunod na tango, kahit mabigat na ang talukap ng mata ko ay nilalabanan ko para lang makinig sa kwento ni Damian at kahit medyo may tama na ako ay ginagawa ko pa ring tubig ang whisky na nasa harap namin.

"I always tell my aunt about Lyca because mom and dad are always busy with our business. Si auntie ang palagi kong kasama sa bahay habang inaayos ang kasal niya kaya siya palagi ang kakuwentuhan ko.......I told my aunt everything about Lyca like, her talents, our interactions in the party and my feelings for her"

Namilog ang bibig ko sa sinabi niya and at the same time nangunot rin ang noo ko. Feelings? Anong feelings? Infatuation, like or love?

"Yes, I like her" mukhang nabasa niya ang nasa utak ko, para medyo kabahan ako. Ibang usapan na kase kapag mahal mo ang pinsan o kadugo mo, ayos na rin dahil gusto pa lang naman niya si Lyca.

"And she likes me too" napaamang na ako ng tuluyan. WTH? Gusto nila ang isat-isa?!?!.......... Kaya pala ganun na lang ang tinginan ni Lyca sakin kapag nakadikit ako kay Damian tss, akala ko moody lang pero nagselos na pala.......pero paano si LA? Akala ko ba mahal niya yun? Aist!! Ang gulo!!

"The moment I confessed my feelings for her, doon ko din nalaman na gusto niya ako. But the time I told to my aunt kung saang pamilya siya kabilang, doon na niya ako pinaiwas kay Lyca ng walang dahilan. Kaso sa sobrang pagpupumilit ko, nadulas siya at nasabing anak niya si Lyca that's why she's my cousin. She also added that I should stop my feelings towards her and as soon as possible we should stop what's between us" Napanganga na lang ako, wala akong masabi. Anak ng tupa! May ganyan pa palang sa totoong buhay? Akala ko sa mga teleserya at penikula ko lang ito mapapanood, hindi pala tsk.
So sabihin na nating anak nga ng tita niya si Lyca, ang tanong ngayon.....PAANO NANGYARI YUN?!?

"N-naging kayo?" dahil sa tanong ko ay dahan-dahang napatango si Damian, natakpan ko na lang ang bibig ko sa gulat. Really? WTH!

"P-paanong naging anak ng tita mo, I mean-----" naputol na ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo. Napalingon ako sa tinitignan niya at nakita ang family ko at family niya na papalapit na sa table namin.

"I'll tell you next time, for now you should stop drinking" tulala ako ngayong nakatitig sa inuupuan ni Damian, ni hindi ko na nga napansin na nakalapit na din pala sila Ninong at yung mag fiancé samin eh. Inaabsorb ko pa rin kase ang nga bagay-bagay at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon