Chapter 57: Vacation

2 1 0
                                    

"Wuhoo!" 

"A! Tara dito!"

"Oo nga! Kaw may gusto nito diba? Ba't kumakain ka lang dyan??" Sigaw ng mga kaibigan ko habang naghaharutan sa seaside. Napapayag ko silang lahat magbakasyon, heto nga't nasa isang private beach kame, ine-enjoy ang aming 3 days and 2 night vacation.

"Teka lang, kumakain pa eh."

"Doon sa bayan masasarap ang lapang, mga may lahi, ang titisoy pa." Anang Billy habang nagpapantasya.

"Iba ata tinutukoy mo, bakla ka talaga." Si Ruth yan na may sinusulat sa buhangin.

"Aba, nasa beach na rin naman tayo edi sulitin na natin ang mga nakahain."

"Huy paalisin niyo nga 'yan, nakakadiri." Naroon ang pandidiri sa mukha ni Hershey habang may dalang seashell. "Tignan niyo 'to oh, nakuha ko."

Hinayaan ko na muna sila doon. Pumasok ako sa loob kung saan naroon ang mga magulang ko na busy sa panonood ng tv.

"Ma, kung ganyan lang gagawin niyo. Edi sana di na tayo nag beach."

"Mamaya na kame, anak. Kapag nagtago na ang araw." Napangiwi na lang ako saka sila nilagpasan ng lakad.

Papunta ako sa pool nang makita ko slai Lyca at LA na pababa ng hagdan. 

"Morning." Nakangiting bati ko. Tinanguan lang naman ako ni LA habang ang kasama niya ay sinamaan ako ng tingin. Laki talaga ng problema no'n sakin, kung ayaw niya pumunta da't di na lang siya sumama.

"Kain na kayo." Alok ko bago sila iniwan.

"Di ka magsu-swimming?" Tanong ko kay Damian pagkarating sa pool area. Nakaupo siya sa isang bench, busy sa pagtype sa laptop.

"Sorry Aerah, I'm just too busy."

"Ok lang, I undestand. Dito na lang muna din ako."

"I'll send this first, before we go swimming." Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Kung sana'y sinabi niyang busy siya, hindi ko na sana siya pinasama.

"I'm sorry, Deym-Deym. Da't di na lang kita pinasa----"

"Its okay, Aerah. Don't mind me."

"Hindi 'yon okay, naabala pa tuloy kita."

"Aerah, stop." Naroon ang pagbabanta sa tono niya. Sinilip ko siya ngunit seryoso lang ang mukha niya.

"I'm sorry." Nakanguso kong sabi. Bumuntong hininga lang naman siya.

"Is the food great?" Tanong niya ilang minutong katahimikan ang lumipas. Hindi pa rin siya tapos sa ginagawa niya kaya wala akong magawa kundi ang samahan siya.

"Yeah, the seafood was really good."

"If you don't mind, can you feed me?" Nakangiting sabi niya. Natuwa ako dahil akala ko hahayaan niya akong maghintay lang dito. May kasweetan pa rin naman pala siyang tinatago.

"Oh sure, kuha lang kitang food." Tumango siya dahilan para tumayo ako. Tulad ng inaasahan ay naroon ang mag fiance na sila LA sa hapagkainan.

"Can we go snorkeling?" Narinig kong tanong ni Lyca sa busy niyang kasama. Tumango si LA na parang wala sa sarili. Nakikinig ba 'yon o ano?

"You want me to book you a schedule?" Nakangiting tanong ko kay Lyca pagkalapit sa mesa. Nagulat sila sa presensya ko pero agad rin namang bumalik sa pagkain.

"Yes. I badly want snorkeling."

"I'll tell the staff later."

"Thank you." Walang kaconcern-concern niyang sabi, kumuha na lang ako ng pagkain.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon