Chapter 17

34 8 12
                                    

Wednesday ngayon at nakaligo na ako't nakabihis habang hinihintay na lang na lang si LA na dumating. Nitong Monday pala ay kakabigay lang samin ng invitation for the ball at next week Saturday gaganapin iyon. Tama sila LA at Damian dahil masquerade ball nga ang theme with black and blue motif. Yung susuotin ko pala ay sa linggo pa dadalhin kaya hindi ko pa naisusukat uli.

Nandito na ngayon ako sa sofa at kakatapos lang maghugas ng pinagkainan ko, as usual tulog pa si Dale.

Maya-maya lang din ay narinig ko na ang pag doorbell ng pinto kaya dali-dali ko ng kinuha yung shoulder bag ko bago lumapit doon. Binuksan ko iyon at laking gulat ko ng hindi si LA ang nakita ko.

"Damian? Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong sa kanya. Nginitian niya lang ako ng maganda bago niya nilahad ang kamay.

"Good morning, lets go?" masayang aniya, nagtataka man ay tinanggap ko pa rin ang kamay niya.
Humakbang na ako palabas tsaka nilock at sinarado ang pinto.

"Again why are you here?" nilingon niya lang ako bago kunin ang bag ko.

"LA will having an important business to do, so he pleased me if I can pick you up also masamahan kana rin sa site" paliwanag niya, nawala ng konti ang pagkakunot ng noo ko bago tumango-tango sa kanya. Bumaba na kame papunta sa parking lot and as usual pinagbuksan niya ako ng pinto. Galawang Damian, hindi katulad ni LA tss. Nakalimutan na ata nun kung paano maging gentleman pssshh.

"Mabuti't wala kang pasok?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe, nilingon niya lang ako saglit bago binalik ang tingin sa daan.

"I request for a day-off" sagot niya na nagpaamang sakin.

"Really? Sana hindi kana nag-abala pa, kaya ko naman ang sarili ko eh" balik ko, nakita ko siyang napailing ng maraming beses.

"You can't be left there alone, lalo pa't puro lalaki ang trabahador niyo baka mapano ka" walang alinlangan nitong sagot, wala naman akong nagawa kundi manahimik na lang. Tama naman siya eh.

Nakarating kame sa site ng maayos, mamomroblema na sana ako dahil na kay LA ang susi ng site pero mabuti na lang at ibinigay niya iyon kay Damian. Binuksan na niya at halos magsimula na ang lahat sa pagtatrabaho uli. Kahit naman daw wala si LA ay ganun pa rin ang gagawin niya katulad nitong nakaraan, magpapadeliver ng food for lunch and merienda. Nasa kotse lang si Damian habang ako ay nasa loob ng site pero kadalasan naman ay sumisilip din siya sa loob.

Nanghihinayang man ako sa pag-absent ni Damian sa trabaho ay wala akong choice dahil pinoprotektahan lang nila ako psssh.

Quarter to 12 ng mapagpasyahan kong lumabas sa site para sana ayusin yung table. Si LA kase ang nagawa nun, kaso wala siya kaya ako na muna ang gagawa. Nakakahiya namang magpatulong kay Damian, naabala na nga siya eh. Pagkalabas ay napansin ko si Damian sa swing ng playground, nilapitan ko na muna siya dahil masyado pa namang maaga para mag-ayos ng mesa.

"Hey why are you here?" tanong ko agad kasabay ng pag-upo sa katabing swing. Nakaupo lang siya doon ni hindi man lang ginagalaw ang duyan habang nakapatong ang pareho niyang siko sa tuhod at magkasaklob ang dalawang kamay. Nilingon niya ako bago ngumiti.

"I just want fresh air" sagot niya at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Dumuyan ako ng bahagya para mag-enjoy ng konti dahil doon ay nilingon niya uli ako.

"Sorry naabala ka pa namin" ani ko sabay lingon sa kanya, deretso pa rin ang tingin niya sa kung saan bago ngumisi.

"Its fine tho, actually I want to be with you while you're working...... kahit isang beses lang" aniya kasabay ng paglingon sakin habang nakangiti ng konti. Napatitig ako sa mata niya na maraming gustong sabihin pero alinman doon ay hindi ko mabasa. Sa kaba ko ay napalunok ako ng wala sa oras at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon