Chapter 15

38 8 9
                                    

Time check 7:28 AM pa lang, pero ready na ako ngayon sa pagpunta uli sa bahay ni LA. Actually dito na ako pinatulog ni Ninong sa bahay niya dahil ayaw tumigil ng ulan kagabi, nalaman na lang namin na may bagyo pala at signal number 2 kame. So no choice ako kundi tawagan si Dale para ipaalam na dito muna ako matutulog. Heto nga at pababa na ako ng hagdan, sa guestroom kase ako natulog gamit ang damit ni LA. Hanggang ngayon ay damit pa rin ni LA ang suot ko, isang loose shirt at tokong.



Speaking of LA, hindi na niya uli ako kinausap kagabi. Ganun din naman ako dahil hiyang-hiya ako sa nangyari. Kung alam niyo lang, miski tignan siya ay hindi ko magawa. Kinausap niya lang ako nung binigay niya yung susuotin kong damit at mukhang hindi na uli mauulit iyon. Napaka awkward kase talaga ng sitwasyon namin hys.



"Goodmorning" bati ko kay LA na nagkakape na nasa sala katapat ang laptop. Nilingon niya lang ako bago tumango. Ako naman ay dumaretso lang sa kusina ng wala akong marinig na bati sa kanya. Doon na rin ako kumain dahil mukhang hindi naman ako papansinin nung isa.



Habang kumakain ay nag scroll-scroll na muna ako sa fb. Yun lang kase ang tanging account ko maliban sa gmail. Sinasabayan ko ng paghuni ang kada pagscroll na ginagawa ko dahil sa totoo lang. Napakatahimik ng paligid tsk.


Nabigla ako sa nagpop-up sa phone ko, tinignan ko ang notification at....
Damian sent you a friend request.


Damian? Damian lang talaga? Bat wala man lang surname? Tss malay ko ba baka ibang Damian yan. Pinindot ko ang profile niya pero isang puting-puting aso lang ang nakita ko na ang caption ay My American Eskimo Dog, cute.



Iniscroll ko pababa yung timeline pero miski isa ay wala akong nakitang picture niya. Maliban na lang sa uploaded niyang pictures tulad ng Apple juice, cheesy garlic roastes Asparagus, Americano campari drink, and majority is his dog.



Nawalan ako ng ganang iistalk si Damian kung siya man talaga iyon dahil wala man lang kapicture-picture niya, kinonfirm ko na lang bago nagpatuloy sa pagkain.





Hinugasan ko na ang pinagkainan ko ng matapos bago dumaretso sa sala at nakitang nagliligpit na si LA. Napatigil ako sa tanong niya.


"Are you done? Lets go" sambit niya pagkasara sa laptop. Tinanguan ko na lang siya bago naunang lumabas. Sinundan ko agad siya pero nabigla ako ng mapansing dumaretso siya sa kotse.


"Hindi ba tayo maglalakad?" takang kong tanong, sa wakas! After 123456789 hours ay nakapagsalita rin ako.


"No, kailangan kong magreport about sa business namin habang nagbabantay na rin" sagot nito pero nasa kotse ang paningin. Wala aking nagawa kundi ang umikot banda sa passenger seat dahil mukhang hindi niya ako pagbubuksan.


Nauna na akong pumasok sa loob tsaka binuksan ang music player. Alam kong awkward ang mangyayari mamaya kapag nakasakay siya kaya nagpatugtog ako para kahit papaano ay mabawasan iyonn.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon