Chapter 29

19 6 3
                                    

Nagising na lang ako sa sunod-sunod na ring mula sa cellphone ko. Tinakpan ko na't lahat ang tenga ko gamit ang unan pero hindi man lang nabawasan nun ang ingay mula sa bandang gilid ko. Hindi ko sana iyon sasagutin kaso masyado na siyang nakakarindi sa tenga kaya naman sa huli ay padabog ko iyong kinuha.

Kunot-noo ko lang pinindot yung phone habang nakapikit, kaya naman hindi ko nabasa kung sino ang tumawag.

"WHAT THE HELL AA! KANINA PA AKO TUMATAWAG, BAKIT NGAYON MO LANG SINAGOT?! SINABI NG MAMA MO KANINA KA PA DAW UMALIS SA BAHAY NIYO PARA PUMASOK SA SITE PERO HANGGANG NGAYON WALA KA PA RIN!! NASAN KA BA NGAYON?!? NAG-AALALA NA AKO SAYO ALAM MO BA YUN!?" nailayo ko ng konti ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa mabilis at pasigaw na sambit nitong bwisit na to. Sino ba to? Ganda-ganda ng tulog ko eh tss.

"Teka lang hah, sino ka ba inaantok pa ako" mahihimigan pa ang antok sa boses ko dahil sa malamlam ngunit masungit kong tono.

"Ako to si LA! Kanina pa ako tumatawag sayo, bakit ngayon mo lang sinagot?! Atsaka anong inaantok? Kakagising mo lang? San ka natulog?? Sabihin mo sakin kung san ka natulog, susunduin kita!" at tuloy-tuloy pa rin niyang dagdag. Medyo normal na ang tono niya kaso nandoon pa rin yung pag-aalala at maotoridad sa boses niya.

"Teka anong oras na ba? Atsaka bakit ka pa tumawag, eh papasok naman ako site"

"Papasok? Seryoso ka dyan? Ala una na ng tanghali kung hindi mo alam, bilisan mo sabihin mo sakin kung nasaan ka iuuwi kita sa inyo"
Nangunot na talaga ang noo ko sa sinasabi nitong lalaking to. Pero ano daw? ALA UNA NA NG TANGHALI?!!? OH....MY...GOSH!

Napabalikwas ako ng tayo sa naisip, mabilis kong sinilip ang lockscreen ko para kumpirmahin ang sinabi ni LA pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang 1:26 PM na nga. Oh ghad!!

"Shittt sorry, sorry LA. Wahhh maliligo na ako, maliligo na ako!! Sorry talaga! Before 10 minutes nandyan na ako, promise. WAHHHHH SORRY TALAGA!!!" nagmamadali at natataranta ko ng sambit, mabilis kong niloudspeaker ang tawag bago iyon ibaba sa kama para ayusin ang higaan ko. MYGOSH!!! NAKAKAHIYA!!

"I said don't curse Ameerah Astrid!"
napasiring ako sa sinabi niya. Anak ng tupa! Mas pinagalitan niya talaga ako sa pagmumura ko kesa sa pagiging late ko hah? Aist! Ibang klase ka talaga Lance Adriene.

Napabuntong hininga na lang ako matapos maligpit ang kumot ko. Mabilis kong kinuha ang twalya at cellphone ko bago ako pumasok sa banyo ng aligaga. Wahhh sorry talaga T_T

"Oo na, jusko naman LA! Sa lahat ng pwede mokong pagalitan, sa pagmumura ko pa. Ibababa ko na to, kailangan ko ng maligo hah, bye---" hindi ko naibaba ang tawag ng bigla niya akong pigilan.

"Hindi na, wag kanang pumasok. Umiyak ka ba o may sipon ka?" nanaas ang isang kilay ko sa tanong niya.

"H-hah? P-paano mo nasabi?" medyo kinakabahan kong tanong habang dahan-dahang nagtatanggal ng saplot.

"Medyo ngongo ka kase, bukas kana pumasok kung masama ang pakiramdam mo. Naiintindihan ko naman"

"No way, papasok ako. Sige na maliligo na ako----" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng sumingit na naman siya.

"Huwag na, pupuntahan na lang kita kung nasaan ka man ngayon para maiuwi na rin kita sa inyo. Nag-aalala na ang parents mo sayo atsaka para madalawa ko na rin sila"

"Eh? Nandito lang naman ako sa condo eh, atsaka kakapunta ko lang sa kanila kahapon diba? Bakit doon pa? Dito kana lang pumunta----" again pinutol niya ako.

"May kailangan daw silang sabihin sayo na hindi nila nasabi kahapon, hintayin mo na lang ako dyan para sabay na tayong pumunta sa inyo"

"Ok fine, para namang may magagawa ako"

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon