Chapter 60: The Truth

7 1 0
                                    

Ilang linggo ang lumipas ng mapagpasyahan ni ate na pumunta sa Manila kasama si kuya Vaughn. Sakto namang nasa Manila ako dahil sa trabaho kaya naman sinabi ko sa kanya na sasama ako. Heto nga't maglalunch pa lang kame kaya naman sinabihan ko si ate na sabay na lang kameng tatlo kumain, mabuti na lamang at pumayag sila.

"What time nga uli tapos niyo?" Tanong niya sa pangatlong pagkakataon.

"5:30 nga ate. Uulitin ko pa ba?" Halos irapan ko siya sa pagiging makakalimutin niya.

"Ayon, oo nga, sige."

"Ikaw magbayad, te ah. Wala akong pera." Sambit ko sa kanya. Mabilis naman siyang tumango na kinatuwa ko.

"Ano pa nga ba?" Walang choice niyang sabi.

"Siya, balik na 'ko sa site para matapos agad kame." Tumayo na ako pagkatapos kumain.

"Kuya Vaughn, take her well." Anang ko kay kuya habang umiinom ng tubig.

"Wag mo namang takutin." Nangunot ang noo ko.

"Hindi ko siya tinatakot..."

"Yeah, whatever. Umalis kana, bago pa magbago isip ko at ikaw ang pagbayarin nito." Gaya ng sinabi niya ay mabilis na akong umalis doon. Aba, siya ang pumili siya ng french resto kaya asang mapagbayad niya ako doon.

Pagbalik naman sa site ay agad na uli kameng nag trabaho. Hindi katulad sa Tagaytay site, hindi ko masyadong close ang engineer na nandito. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ako o ano pero hindi ko na lang rin siya pinapasin tulad ng ginagawa niya sakin. Kakausapin lang namin ang isa't-isa kapag tungkol sa trabaho pero pag personal na, wala na ulit kibuan.

Nang dumating ang oras ng pag-uwi ay nag-ayos na ako ng sarili. Hindi pwedeng mag-amoy lupa ako kaya naman naghilamosnlang ako saglit sa banyo bago nagspray ng cologne at nagpolbo. Fresh naman na ako pagkalabas sa site.

"See you, next week, engineer." Paalam ko sa kasama ko. Tinanguan na lang niya ako bago ako sumakay sa aking sasakyan. Tinext ako ni ate na nasa MOA sila ngayon. Hindi pa daw kase nakakapunta si kuya Vaughn doon kaya naman sa MOA sila dumaretso pagkatapos kumain. Heto nga't tinawagan ako ni ate habang ako'y nagmamaneho.

"Ano te? Nagdadrive ako, pakibilis." Sambit ko sa kanya ang oaningin ay nasa kalsada. Naka connect 'yon sa bluetooth ng sasakyan kaya naman medyo may kalakasan.

(Oh, didn't know. Anyway, magpapafootspa kame. Punta kana lang dito if want mo rin.)

"Oo na, sige na. Bye." Sinabi niya sakin kung anong name ng salon pero kailangan ko munang magpalit ng suot para hindi ako magmukhang trabahador.

Pagkarating sa mall, hindi ko na muna pinuntahan sila ate. Bagkus naghanao ako ng shop na may murang cloth wear para makabili ako at mapaltan 'tong suot ko. Hindi kase ako nainform na gagala, kaya naman wala akong dalang extra shirt pamalit.

Nang may matipuhan ay agad ko ng binili' yon, doon na rin ako nagpalit at muling nag-ayos ng sarili.

"Thank you." Nakangiting paalam ko doon sa mabit na saleslady. I gave her tip after I walked away.

"Come again, maam."

Naglalakad na ako papunta sa salon nang biglang may napansin akong familiar sa di kalayuan. Naglakad ako ng kaunti para masure kung sila nga itong nakikita ko. Mabilis akong nagtago sa malaking foundation wall ng maconfirm na ang magkapatid na Lyca at Lydia nga itong nasa harap ko.
Anong gunagawa nila dito? Of course, nagwiwindow shopping pero sobrang coincidence naman na sa MOA rin.

Lalagpasan ko na sana sila tutal hindi naman nila ako napansin ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatago uli ako sa foundation wall na 'yon nang biglang may lumapit na isang lalaki sa kanila......Nanlaki ang mata ko. Teka, si kuya Vaughn ba' yon? Ba't siya nandito? Nasan si ate Aebi?

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon