Chapter 19

27 8 14
                                    

Kinabukasan, hindi ako makatingin ng maayos kay LA. Binabagabag pa rin kase ako nung huli niyang sinabi bago pumasok sa kwarto ko. Kinakabahan ako tuwing pumapasok yun sa utak ko, pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Wala pa rin si Dale hanggang sa makaalis kame ni LA kaninang umaga. Naunang magising si LA kesa sakin at nagkape lang siya habang hinihintay akong magising. Pagkagising ko nanan ay agad niya akong pinaligo at sinabi niyang doon na lang kame mag-agahan sa kanila. Habang nagbibihis naman ay tumawag si Damian at binati ako ng goodmorning, tinanong niya si LA kung nakauwi na kagabi at sinagot ko naman siya ng hindi pa. Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit dito natulog si LA at kung bakit magkasama pa rin kame hanggang ngayon pero mukhang hindi niya iyon naintindihan at bigla na lang akong pinatayn ng tawag, mukhang nagselos hys. Nakokonsensya naman akong lumabas ng kwarto at iniisip ang pagbaba sakin ng tawag ni Damian. Paano na lang kapag naging boyfriend ko siya? Baka mas lalo siyang maging protective sakin, ngayon pa lang kaseng hindi ko siya boyfriend ay nagseselos na siya paano pa kaya kapag naging kame na? Hys.

Mukhang nahalata ni LA ang pagiging matamlay ko kaya heto't pinapatawa niya ako. Tulad noon ay nagsasabi siya ng mga jokes pero halos lahat naman doon ay corny at hindi nakakatawa.

"Tumigil kana nga, ang corny ng mga jokes mo" sambit ko sa kalagitnaan ng byahe namin papunta sa kanila pero hindi naman siya tumigil at nagbanggit pa rin ng joke.

"Last na dali bugtong naman to" sambit niya habang nakatingin sa daan, napabuntong hininga ako bago lumingon sa kanya.

"Hmmm?" tugon ko, hinihibtay ang bugtong niga

"Nandyan na pero hindi mo pa makita?" napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.

"Ano?" napangisi naman siyang lumingon sakin saglit bago sabihin ang sagot.

"Nararamdaman ko sayo" napaamang akong tumitig sa kanya. A-ano daw?

"H-hah" tulala kong sambit, bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Sabihin mong mali ang iniisip ko, sabihin mo dali!!!

"I mean hangin....oo hangin. Nararamdaman lang natin kase sila pero hindi natin nakikita" segway niya, napahinga naman ako ng malalim. Pweh akala ko kung ano na, well tama naman siya nandyan kang yung hangin pero ni minsan hindi natin nakita.

Nakarating kame ng masaya at ligtas sa bahay nila, naabutan namin si Ninong na nagkakape sa kusina kaya't sumabay na kame sa kanya na sakto namang may nakahanda ng pagkain.

"Kamusta kahapon? Maayos na ba ang lagay mo hija?" bigka ay taning ni Ninong habang kumukuha ako ng umagahan, tumangi lang ako sa kanya tsaka ngumiti.

"Pagkatapos ko pong inumin yung gamot na dala ni LA napapoop pa uli ako pero hindi na po uli nasundan" balik ko kay Nining, napatango-tango lang naman siya.

"Mabuti kung ganoon, eh ang bahay? Mag-iisang buwan na iyon ah" dagdag na tanong niya, nginitian ko lang siya ng malaki bago siya tinignan ng maige.

"Well ngayon palang po namin pag-uusapan yung bahay Ninong. Kung anong style nito at kung paano ito itatayo" natango lang naman siya.

"Mabuting empleyado itong si AA Lance, at nagpapasalanat ako dahil naging parte ka ng kompanya ko" nahihiya naman akong napatango kay Ninong, napansin ko namang nilingon ako ni LA.

"Halata naman po dad, siya na nga lang po madalas ang nagbavabtay sa loob ng site habang inaasikaso ko yung naiwan kong kompanya sa states" paliwanag nito sa ama, nilingon ako ni Ninong ng mag pagkamangha.

"Maganda kang pinalaki ng kumpare at kumare ko ah, hayyyy napakaswerte ng mapapangasawa niyo kung sakali" napailing-iling na lang si tito bago tumayo, napangiti na lang ako. Wala pa naman talaga sa utak ko ang pag-aasawa kahit pa nasa 20's na ako, gusto ko munang ienjoy ang bawat araw at oras para wala akong pagsisihan sa dulo.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon