Chapter 40: Ride On

19 4 16
                                    

SOMEONE'S POV

After I hear them kissing I go straight to our room and pretend to be sleeping. Iinom sana ako ng tubig sa ref but after I heard them making strange noise, bumalik na lang ako sa kwarto.

I hate myself, I hate for being inlove with her. What the heck is my problem? I just want her to be happy but.........but I wish I was the reason and not him, not my friend.

It hurts when seeing her smile because of him. It broke me into pieces when I saw how AA fallen for him. I think I have no hope for her and I think I have no choice but to continue the wedding.

Sana lang hindi siya saktan ni Ian, at sana lang mahalin siya nito tulad ng pagmamahal ko. Tangina! Nakakabading man pero wala eh, huli na ako....masyado akong mabagal. Base sa mga kilos, pananalita at mata niya.....mukhang mahal na niya ang kaibigan ko.

Hindi na ko magtataka kung sagutin na niya iyon katulad noon kay MJ. Kilalang-kilala ko si AA, lahat ng kilos at galaw niya ay mabilis basahin kaya nga nasasaktan ako ngayon dahil may possibility na maging sila any time.

In short, wala na akong pag-asang kuhanin siya, wala na akong pag-asang mapasakin siya. Mahirap, napakahirap. Sana lang tama ang desisyon ko.........kase kung hindi? Pagsisisihan ko ito hanggang dulo.

------------------------------------------

"GOOD MORNING EVERYONE!!! HAPPY FIESTA!!!!!" bati ko sa lahat ng makapunta sa kusina. Halos lahat kase ng mga tito, tita at pinsan ko ay nandoon maliban kay Lovely na nasa sala kasama ang mga pamangkin namin.

"Aba't mukhang ang ganda ng tulog mo Ameerah. Anong oras kana bang natulog?" tanong ni inay habang nakaupo sa bangko.

Sinilip ko na muna si Damian na busy sa pagsalin ng mga ulam sa kaserola, hindi ko inaasahan na nakatingin din siya sakin kaya bigla na lang namula ang mukha ko. Mabilis tuloy akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Maaga naman po inay, narealize ko lang po kaseng masarap magbakasyon dito ng matagal tapos inom po palagi tayo ng lambanog" bigla na lang may bumatok sa ulo ko pagkasabi ko non.

"Aray!!" daing ko. Epal na Dale to.

"Papatayin mo ang sarili mo kung ganon AA. Ayoko pang dumalo ng libing sa ganitong edad" napairap ako sa sinabi niya.

"Whatever" na lang naman ang nasabi ko dahil sira na ang araw ko. Hayyyy siya talaga ang pinaka panira ng moment, pangalawa si LA.

Speaking of LA nga pala, wala siya dito ngayon. Hindi ko alam kung saan nagpunta, pinagtanong-tanong ko naman sa lahat pero ang tanging sagot lang nila ay 'May importanteng pinuntahan.'

Aist! Ganun ba yun kaimportante para hindi man lang magpaalam sakin? Nagtatago na ang bestfriend ko huhuhu. Pwede naman niya akong itext pero miski isa wala akong narecieve sa kanya. Puro text lang ito nila papa at mama ang nasa inbox ko  isama na natin yung text ni Dale na hindi ko binubuksan ehehhehe.

Dahil maraming gagawin ay mamaya ko na lang tatawagan si LA. Mukha namang narito na rin iyon maya-maya.

Pagkalipas ng ilang oras ay wala pa rin ang bestfriend ko. Dumating na lang lahat ang tanghalian ay hindi man lang siya umuwi. Nasaan na ba yun??? Hindi ba niya alam na pinag-aalala niya ako? Baka naligaw pa iyon, jusmeyo marimar naman oh!

"Damian do you know where's LA?" tanong ko sa kanya ng sabay kameng kumain ng tanghalian. Nandito kase kame ngayon sa sala, halos wala na kaseng mapwestuhan sa loob ng kusina kaya dito na kame kumain.

Marami na ring bisita ang dumadating kaya naman hindi na magkandaugaga ang nga tito at tita ko. Si inay naman ay nakaupo lang sa terrace, binabati isa-isa yung mga bisita.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon