Chapter 22

31 8 8
                                    

Nagtuloy ang party kaya ngayon ay dinner time na. Hindi na kame pinapila pa sa buffet table dahil dinalhan na kame mismo ng pagkain sa mesa. Lahat ng klase ng pagkain ay nandito ngayon sa harap ko pero hindi man lang ako masiyahan o ganahan sa nakikita dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakasaup ni LA.

Nakabalik na sila bago magsimula ang dinner, ramdam kong ilag sakin si LA kaya naman si Lyca at Damian lang ang nakakausap ko. Nalaman ko din na naglibot sila kasama ang parents ni Lyca at pinakilala sila bilang mag fiancé. Nalungkot ako pero wala naman akong magawang tulong kay LA para makahanap siya agad ng mapapangasawa niya.

"After this we will continue what we're doing earlier, so Lance and I will leave this table again." biglang banggit ni Lyca sa kalagitnaan ng pagkain namin, napatango na lang ako sabay silip kay LA na ngayon ay tutok sa pagkain.
 
Habang busy ang lahat sa pagkain ay bigla na lang may pumasok na grupo ng mananayaw. Sumayaw sila ng waltz dance, pagkatapos noon ay may kumanta sa stage na babae at lalaki. Itinuon ko na lang ang atensyon ko doon dahil baka mawala pa lalo ako sa mood kapag inisip ko uli si LA.

Tutok akong kumakain habang nakikinig sa kumakanta ng bigla kong maramdaman ang paglapit ni Damian sakin, nilingon ko siya at nanlalaki ang mata ko ng makitang sobrang lapit namin sa isa-isa. Lalayo sana ako ng konti kaso mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"My parents are here, they just arrived. I want to introduce you to them when they come to our table." bulong sakin ni Damian, napaamang na lang ako. HINDI AKO READY SUSKO!?

"O-ok, finish your food now" sambit ko bago pinagpatuloy ang pagkain, napansin ko pa ang tingin ni LA sakin pero pinabayaan ko na lang.

Natapos ang kainan kaya bumalik na ang lahat sa pagpapakilala, umalis na rin yung dalawa at pinuntahan ang parents ni Lyca. Kame naman ni Damian ay tamang shakehands at pakilala sa mga taong pumupunta sa table namin. Wala na rin kameng suot na mask dahil puro introducing eklavu lang naman ang ang nangyayari, mabuti na rin dahil nangangati ang mukha ko sa feather na meron ang mask ko.

"Hello guys, I'm glad that you're here. I am Lilia Velasco and this is my husband Francis Velasco, and my son Miguel Velasco. We're from the Velasco corporation, the newly built Migshades company." nakangiting sambit samin ng medyo katandang babae.

"Nice meeting you po, I'm Ameerah Astrid Torres  from Soapistikada Torres corporation" pakilala ko baho nakipagbeso sa matandang babae at tanging shakehands doon sa dalawang kasama niya.

"And I'm Damian Vasquez from Triple D shoe company, nice meeting you also Mr. and Mrs Velasco and to your son" pakilala din ni Damian sabay shakehands sa kanila.

I know them na mom and dad, noong birthday party ni Mr. Walker" singit ni Miguel na may nagmamalaking tingin.

"Is that so?" pagkukumpirmang tingin ni Mrs. Velasco, nginisian ko muna si Miguel bago tumango sa magulang niya.

"Yes Mrs. Velasco, actually po nililigawan niya ang pinsan ko" nakangiting sambit ko, nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Miguel. Pfftt HAHAHAHAHAHA.

"Ligaw? Hmmm hindi nagkukwento ang anak ko ah. Siya sige mauuna na kame, see you around" nagbow pa kameng dalawa ni Damian bago sila umalis, si Miguel naman ay pinanlalakihan pa ako ng mata binelatan ko lang siya HAHAHAHAH.

"Why did you do that?" nagtatakang tanong ni Damian habang ang paningin ay na kay Miguel pa rin. I just shrugged my shoulders and sat back.

"Gusto ko lang siyang asarin" nagkibit-balikat ako atsaka nilibot ang paningin. Sa totoo lang gusto kong makabawi kay Miguel dahil sa pangbabastos niya sakin, mukhang nakabawi naman heheheh.

Hindi na naman nagsalita pa si Damian, sinilip ko siya at mukhang hinahanap niya ang parents niya ng biglang may tumawag sa kanya.

"Yes mom....I'm already here at the hall.....yes......ok......I'm on my way" pagkatapos nun ay binaba na niya ang tawag, tumingin siya sakin bago ako kinausap.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon