Chapter 11

35 10 10
                                    

Naalimpungatan ako sa nalaglag na bagay na yun, nagmulat ako ng mata at kahit nanlalabo pa ay hinanap ko kung saan nanggaling yun.

"Aist!" yun lang ang narinig ko bago umupo ng maayos sa kama.

"Hmm?" huni ko pero hindi na uli ako nakarinig ng boses, bagkus ay yabag ng paa ang narinig ko. Mabilis kong kinutkot ang mga mata ko tsaka napatitig sa pigurang nasa harap ko. Nang umayos ang paningin ko ay doon ko kang napagtanto ang lalaking nakatalikod sakin, habang nakatapis lang ng twalya. Nanlalaki ang mata kong kinilala ito pero sa huli ay hindi hindi ko nakilala.

"KYAHHHHHHHHHHHHHHHH!!! ANONG GINAGAWA MO DITO!! WAHHHHHHHH!!" sa sobrang lakas ng tili ko ay nataranta bigla ang lalaking nahubad sa harap ko at muntik-muntikan niya pang mahulog ang twalyang nakatapis sa kawatan niya. Lalo tuloy akong napatili at biglang nakaramdam ng kaba. Pinagkukuha ko ang mga unan na nasa kama tsaka ko hinagis ang unan ng nakapikit.

"OMYGHADD!!!! UMALIS KA DITO!!--- LA!!!!!!" tili ko na halos masira ang lalamunan ko.

"What the!! Hey stop it AA, hey AA!! Aist!!" narinig kong daing niya pero patuloy pa rin ako sa pagbato hanggang sa kumot na ang ibinato ko.

"I'M DAMIAN!! STOP THROWING AT ME!! ARGGH" inis niyang singhal, narinig ko ang sinabi niya pero parang lumabas din agad iyon sa kabilang tenga ko, patuloy akong sumigaw hanggang makitang bumukas ang pinto.

"ANONG NANGYARI?!?" tarantang tanong ni LA pero nandoon ang pag-aalala nito. Mabilis akong tumayo tsaka lumapit sa kanya at yumakap. LA huhuhuhuhuhuhu.

Sa isip ay gustong-gusto kong umiyak pero nauunahan ako ng takot at kaba ngayon kaya paghinga lang ng malalim ang nagagawa ko.

"What happened?" bigla ay lumamlam ang boses niya. Tinuro ko yung lalaking nakahubad pero nauna na niyang tinignan iyon bago bumuntong hininga.

"I've told you earlier I was going to shower and you gave me the permission to use your room, she's not here when I came so I should be the one to react that way tss" mahaba at pasinghal na paliwang ni Damian, nawala ang luha ko pero ang paghikbi ay nandoon pa rin.

"How about you A?" mukhang tinutukoy ni LA ang paliwang ko, pinunasan ko muna ang luha ko bago bumitaw sa kanya at tumungo.

"Ganto kase, napagod akong mag-ayos ng tables kanina kaya naisip ko munang umidlip dito sa kwarto mo. Eh sakto namang bukas yung pinto kaya nagderetso ako ng tulog, tapos naalimpungatan ako nung may narinig akong nahulog and yeah doon ko nakita si Damian na ano...." sinilip ko si Damian at ngayon ay nakabihis na siya, nakahinga naman ako ng maluwag doon.

"He's halfly naked" mahina kong dagdag. Narinig ko namang bumuntong hininga si LA.

"I get it, Damian let's go downstairs. Prepare yourself now A, the party will start soon. I'll wait for you there" anito na tinanguan si Damian bago naglakad palabas ng kwarto, hindi naman ako makatingin kay Damian ng dumaan ito sa harap ko pero pakiramdam ko ay hindi din siya lumingon sakin. Tss, pagkatapos niya akong halikan, dadaan-daanan niya na lang ako ng ganun?! Kpayn!!

Nang makalabas ang dalawa ay nilock ko ang pinto tsaka humiga sa kama, hinawakan ko ang dibdib ko na medyo humupa na ang kaba.

Aist! Anong mukha ipapakita ko doon tsk.

Ilang minuto din ay naligo uli ako atsaka isinuot ang black strap dress at pinartneran ng wedge heels ko, siguro mga 2 inch lang. Pagkatapos noon ay pinatuyo ko muna ang buhok ko bago naglagay ng anik-anik sa mukha....and tada!!!!! I'm pretty on my own eyes HAHAHAH.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang kaninang nangyari, hayyyyy ang cold niya, hindi ako sanay.

Bumaba na nga ako at iniwan lahat ng gamit sa kwarto ni LA maliban sa phone ko. Pagkababa ay ayun na ang ilang mga bisita na nakasuot ng pormal, hindi talaga maitatanggi na maraming kakilala si Ninong pagdating sa business world hys.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon