Chapter 8

40 11 21
                                    

Umaga na naman at kailangan ko ng mag-ayos para sa party mamaya. Linggo ngayon kaya naman mamaya ay susunduin na din ako agad ni Damian bago maghapon, sinabihan niya akong magdala ng panligo dahil isa daw iyong pool party.

Inihanda ko na naman iyon kagabi pa kaya naman pagligo at pag-aayos na lang ng sarili ang aasikasuhin ko mamaya, hindi naman sa excited ako sadyang maagap lang HAHAHAHHAHA.

Bumaba na muna ako sa sala bago dumaretso sa kusina, walang pasok tuwing Linggo si Dale kaya naman nakakapag bonding kame lalo na ngayong wala akong trabaho. Sinabihan ko din siyang maghanap ng client tungkol sa pagpapagawa ng bahay at mukhang ginagawa naman niya. Naabutan ko si Dale na naglalaba ng mga damit niya.

"Oh? Parang late ka ng naglaba, diba 6 AM palang ay nakasampay na yang nga yan?" taka kong tanong habang nagbukas ng ref.

"Ngayon lang kase ako nagising eh, alam mo na walwal kahapon" kumuha ako ng milk and cereals bago dumaretso sa mesa.

"Nagluto ako dyan ng ham and egg, ayaw mo nun?" taka niyang tanong habang busy pa rin a paglalaba.

"Nagcrave ako sa cereals eh, don't worry kakainin ko din yan heheheh" hindi ko na siya narinig na sumagot pa kaya naman nagsimula na akong kumain.

Habang busy sa pagkain ay narinig ko na naman ang boses na yun, boses ni Ion na kumakanta galing sa sala, mukhang bukas ang tv namin. Tumayo ako tsaka sumilip sa sala at nakita ko nga si Ion na kumakanta na naman sa channel 2. Tinitigan ko siya habang nakapikit siya sa pagkanta hawak ang gitara, ang ganda-ganda talaga ng boses niya, I swear!! Napaka manly sa pandinig at talagang hindi ka magsasawa. By the way pala, nakalimutan kong sabihin na hindi na si Ion ang wallpaper ko. Pinalitan ko na iyon dahil naaalibadbaran ako kapag tao nasa screen lock ko, binago ko iyon at ginawang panda uwu ang cute kaya niya.

Natapos siyang kumanta at bumalik na uli ako sa pagkain. Sa totoo lang boses lang ang habol ko kay Ion hehehehe tsaka na rin ang physical figure niya pero hindi ko siya crush!! At hinding-hindi talaga mangyayari yun! Baka kase maulit yung dati, napakamalas ko na talaga kapag naulit pa iyon psshhh.

"Aalis ka mamaya hindi ba?" tanong ni Dale habang nagbabanlaw na ng mga damit, sa cr kase siya naglalaba malapit sa kusina kaya naman kitang-kita ko siya sa pwesto ko.

"Oo mamayang 5-6 ata, susundin naman ako ni Damian"

"So si Damian pala hah, bat hindi si LA?" nakangisi niyang tanong.

"Hindi alam ni LA na pupunta ako, atsaka siya daw kase ang nag invite sakin kaya ayun" narinig ko naman siyang ngumisi ng matunog.

"Ang sabihin mo nanliligaw na yang Damian na yan, tsk! Kailangan kong makita yan AA hah! Nako nako nako talaga" para na namang nanay niyang sambit, ayaw masabihan ng nanay pero kung makapag paalala tsk.

"Pwede ba, hindi siya nanliligaw ok? Friend lang kame kaya ganun tsk" inis kong sambit bago sumubo ng pagkain.

"Friend mo mukha mo, susss kilala ko ang mga lalaki AA. Sa landi ko ba namang ito" napaamang ako sa sinabi niya bago sumubo uli.

"So aminado kana talagang malandi ka tsk, well alam ko naman yun sino ba naman ako, eh isa palang ang nagiging jowa ko habang ikaw hmmmmmmm hindi ko na mabilang eh" inosenteng asar ko, nakita ko naman siyang tumigil sa paglalaba at bumewang paharap sakin.

"Sabi ko malandi hindi pokpok, ewan sayo kumain kana nga lang. Basta pinagsasabihan kita, IPAKILALA MO SAKIN YAN ASAP!" pagpapaalala naman uli niya, wala akong nagawa kundi tumango na lang psshh.

Ilang oras ang dumaan at hapon na!! Naligo na ako atsaka nag-ayos ng sarili, naglagay lang ako ng liptint and powder sa mukha ko nago inilugay ang mahaba at straight kong buhok. Pagkababa ay nakita ko si Dale na nanonood sa sala.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon