Chapter 54

4 1 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan para ipagluto si Dale ng umagahan. Kahit kulang sa tulog at mugto ang mata ay pinilit kong tumayo para lang sa kanya. Ang hirap tanggapin na nagdadalang tao siya pero mas mahirap iyon para sa pamilya niya. Ano na lang kayang magiging reaskyon nila tito? Magagalit kaya sila? Sana naman hindi.

Pagkatapos kong maligo ay agad na akong bumaba kaso hindi pa man ako nakakarating sa kusina ay nakaamoy na agad ako ng pagkain. Nagtaka man ngunit mabilis akong naglakad papunta sa kusina, doon ay nakita ko si Dale na nagluluto ng breakfast.

"Anong ginagawa mo? Ako na dyan, matulog ka pa." Aagawin ko sana ang siyanse sa kanya ng bigla niya iyong nilayo sakin.

"Maupo kana lang dyan, ipagluluto kita."

"Dale makinig ka sakin, di ka pwedeng mapagod----"

"Nagluluto lang ako, di ako mapapagod dito."

"Dale, sabi ng----"

"Sige na, kahit ngayon lang."


Hindi sa nag-aalala ako para sa kanya pero mas inaalala ko lang yung baby niya. Sa pagkakaalam ko mas maselan ang pagbubuntis kapag hindi pa buo ang baby kaya hanggat maari, dapat nag-iingat siya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Pagkatapos mo dyan, ako na sa lahat." Tumango na lang naman siya na nakapag pailing sakin.

"Anong balak mo?" Tanong ko maya-maya habang nilalagay ang fried rice sa bowl. Ihahanda na lang kase ang kakainin namin maliban pa sa kulang na panulak.

"Umupo kana, ako na magtitimpla ng kape." Ganon na nga ang ginawa niya. Umupo siya bago nagsandok ng makakakain niya.

"Pwede ka pa ba ng kape? Mag gatas kana lang kaya."

"Wala tayong gatas, ok na 'yan." Wala naman akong nagawa kundi ang ipagtimpla siya ng kape. Wala akong alam dito. First time kong mag-ala ng buntis.

"Magreresign ka ba o ipagpapatuloy mo ang work mo?" Pagsisimula ko sa usapan.

"Di ko pa alam. Kapag ginawa ko 'yon, wala akong ipambabayad dito sa condo. Wala akong ipon A, kahit piso wala." Napabuntong hininga ako. Alam kong isa siyang happy go lucky na tao pero sobra naman yung wala siyang ipon. Kung kelan siya nagkatrabaho, doon naman siya biglang nagpabaya sa sarili niya.


"Eh anong plano mo? Ipapaalam mo yan sa magulang mo para masustentuhan ka nila?"

"Hindi! Tangina. Kung sustento ang usapan, si Migz ang kailangan magbigay no'n. Kapal ng mukha niya, sabi ko gumamit kame ng condom. Hayop na 'yon, magtiwala lang daw ako. Yun pala, naputukan na 'ko." Nang-gagalaiting paliwanag niya. Medyo kumulo ang dugo ko sa narinig pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil iniisip ko ang kalagayan niya.



"Alam na ba niya?" Tanong ko matapos ang isang malalim na hininga. Bigla akong kinabahan, hindi para kay Dale kundi para sakin. Baka mabuntis na lang din ako ng wala sa oras. Wag naman po sana.


"H-hindi pa...." Napatungo siya sa sagot niya sabay subo ng kutsara sa bibig.

"Kelan mo ipapaalam?"

"H-hindi ko alam, A. Hindi pa ako handa."

"Handa saan? Kailangan pa bang paghandaan 'yon?" Bigla ay tumaas ang tono ng boses ko. Saan siya maghahanda? Kay Migz? Kay Migz na hindi man lang naghanda sa maaaring mangyari?

"Sa lahat A! Hindi ako handa sa lahat! Tangina, ikaw kaya sa posisyon ko, tignan ko kung makapag handa ka pa." Bigla ay sinigawan niya ako. Hindi ko 'yon expect kaya naman hindi ako nakaimik.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon