Chapter 28

23 5 0
                                    

Ilang segundo ang dumaan ng hindi siya sumagot, nanlalambot akong humawak sa grills ng hagdan bago huminga ng malalim.
Kailangan hindi niya makita ang panlalambot ko ngayon, dapat hindi na rin ako ganito kaapektado ng makita siya pero bakit? Bakit nandito siya? Bakit bumalik pa siya?

Mukhang matatapos ang araw na ito na mabigat ang pakiramdam ko, bigla na lang kaseng nanikip ang dibdib ko.

Bago pa man siya makapag-salita ay inunahan ko na siya.

"Ma hindi na po pala ako kakain, nawalan po ako ng gana" sigaw ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Bago pa man tuluyang tumulo ang luha ko ay umakyat na ako sa hagdan.

"Eat AA, uuwi na rin naman ako" sa wakas ay nagsalita siya pero huli na para pigilan ko po ng panlalambit ng tuhod ko. Bakit? Bakit masakit pa rin?

"Ameerah kumain ka, nagluto ang papa mo ng paborito mong kaldereta----oh hijo kumain kana rin dito" napatigil ako sa paglalakad. So alam nila na nandito si MJ? Hah!

"Hindi na po tita, uuwi na po ako" narinig kong sambit ni MJ, bago pa man si mama makapag salita ay inunahan ko na rin siya.

"Wala po akong gana ma----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit si papa.

"Bumaba ka after 5 minutes Ameerah Astrid, sabay-sabay tayong kakain" at bumagsak na ng tuluyan ang balikat ko sa maotoridad na utos niya kasabay ng pagbigkas sa buo kong pangalan. Kapag ganyan na siya ay wala kanang magagawa pa kundi sundin ang gusto niya tsk. Kelan ba huling naging maotoridad si papa? Siguro nung college days ko pa, ang tagal na rin pala.

Sa huli ay wala akong nagawa, tumango lang ako habang nakatalikod sa kanila bago nagsimulang maglakad papunta sa kwarto ko. Alam kong nakita nila ang pagtango ko dahil sa mga matang nakatingin sakin kaya naman hindi na ako nag-iwan pa ng kahit anong salita.

Pagkapasok sa kwarto ay ganun na lang ang pagmamadali kong makaupo sa sofa para mapigilan ang panlalambot ko. Mabilis akong huminga ng malalim para pagaanin ang loob ko at para rin ibalik sa normal ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ako ang nakipag hiwalay diba? Bat ako pa yung nanghihina ngayon?
Wala na kame diba? Bakit nagpakita pa uli siya? Hindi niya ba talaga ako titigilan?? Ang hirap naman niyang pakiusapan eh!

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisipay ay nagsilamos na ako. Inayos ang sarili ko na parang walang bisita sa baba, kung anong itsura ko kapag nasa condo ay yun lang din ang itsura ko ngayon. Naka sando na itim habang nakashorts lang at tsinelas. Inipit ko lang ang buhok ko ng boknay bago tuluyang bumaba papunta sa kusina.

Bago pa man ako makapasok sa kusina ay huminga na muna uli ako ng malalim tsaka sinuot ang cold at blanko kong mukha. Sana naman walang mag-open ng tungkol samin noh tss.

"Ameera----" hindi na natuloy ni papa ang pagtawag sakin ng pumasok na ako ng tuluyan sa kusina with my poker face.

Agad na nakita ng mata ko si MJ na nakaupo na rin pero hindi ko siya pinansin dahil na kay papa ang paningin ko ngayon.

"Umupo kana bago pa lumamig ang pagkain" ganun na nga ang ginawa ko.

Kahit anong pag-iwas ang gwain ko ay makakalapit ko pa rin si MJ sa upuan dahil square itong mesa namin. Ibig sabihin sa apat na corner nito ay wala akong iwas sa kanya, kung hindi makakatabi ay makakatapat ko naman siya.

Nagsimula kameng kumain ng tahimik, nagpapakiramdaman lalo na't awkward para saming apat ang sitwasyon ngayon. Habang sila papa at mama ay nakikita ko ang pagsilip sakin, si MJ naman ay tutok lang sa pagkain na ganun rin naman ang ginawa ko. Hanggang sa tumikhim si papa ng malakas na sinundan ng pagsasalita ni mama.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon