Chapter 55: GGV

4 2 0
                                    

"Did you know GGV invited LA to their show?" Proud kong tanong kay Damian ng isang araw ay sabay kameng maglunch. Napatigil siya sa pagnguya bago tumitig sakin sa mata.





"No, but wait. GGV's host was Vice, right?" Galak akong tumango.





"Yes and I want to see her so bad." Ngingiti-ngiti kong sambit.





"Ang gwapo niya." Narinig kong sabi ng kabilang table. 



"Did you also know that GGV invited me?" Namilog ang mata ko. What? Pati siya?




"Seryoso ka ba dyan? Bakit di mo tinanggap??" Naroon ang panghihinayang sa tono ko.



"I don't have time for that. Atsaka di ko naman alam na gusto mo siyang makita."



"Ang gwapo niyang magtagalog." Ngayon ay di ko na napigilang lingunin yung kabilang table. Agad ko rin namang binalik iyon kay Damian.



"Sayang naman." Nanlumo ako sa narinig. "Ang totoo niyan, pinilit ko lang si LA. Malay ko bang inivite ka din pala, dapat ikaw na lang pinilit ko." Natawa siya.





"Its alright. Kelan interview niya?"







"Next week, Friday. Baka sumama ako."





"How?" Taas kilay niyang tanong.





"Magpapanggap akong manager niya." Natawa ako. Pwede rin namang make-up artist, ewan. Di ko alam kung kailangan niya no'n pero  bahala na.





"I hope papasukin ka."



"Of course! Di papayag si LA ng di ako kasama."



"Eh ako? Papayag ba?" Napanguso ako.



"Damian...." Nagmamakaawa kong tono.



"Just kidding, as long as you're happy." Bigla rin namang bumalik ang ngiti ko. Nagkita kame dito sa Manila sa kadahilanang may meeting rin siya rito. Inaya niya akong maglunch kaya naman pumayag ako. Ngayon na lang kame nakapag bonding kaya naman na miss ko siya ng konti, konti lang baka kase lumaki ang ulo at sabihing mahal na mahal ko siya.



"Can we ditch our work? Katulad sa school?" Napangisi siya.





"Nah, Aerah. We will lose our job."



"Sabi ko nga." Napanguso na lang uli ako.





"Are you done eating?" Tanong niya ng makatapos siya sa pagkain. Binagalan ko ang kain ko.



"Hindi pa oh, nakikita mo naman diba?"



"Can you speed up a little? I have a meeting less than an hour." Inirapan ko siya.



"Edi umalis kana, kaya ko naman sarili ko."





"Aerah..." Banta niya.





"Tss."



Sa huli ay talo ako. Gusto ko pa sana siyang makasama ngunit hindi na pwede dahil may trabaho rin ako. Sa ilang araw naming hindi nagkita, saglit lang kameng nagkasama ngayon. Ang unfair. Hindi niya rin ako nahatid sa site dahil dala namin pareho ang sasakyan namin. Para tuloy kameng mag business partner na nagmeet lang para sa business proposal pssh.





"After my work, punta ako sa club niyo."



"I hope so..." Ngumiti siya.



Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon