Chapter 41

23 4 8
                                    

Lumipas ang isang araw at pauwi na kame ni LA ngayon sa Sta Lucia. Si Dale ay sumabay na nung Biyernes kay Damian dahil may importante daw siyang gagawin, pero ang totoo ay magkikita lang naman sila ni Miguel tsk.

Hinayaan ko na dahil marami na rin naman siyang naitulong kila inay. Yung bahay ni tiya Emy ay patapos na, iniwan ko na lang kila tito Ganing lahat dahil kokonti na lang din naman ang aayusin doon.






Sa ngayon, tuloy na uli kame sa paggawa sa bahay ni LA bukas. Nagpapansinan na din kame kaya nga inaasar ko na uli.






"Kay Ria kana lang talaga LA. NBSB yun atsaka marunong sa gawaing bahay, magiging kamag-anak pa kita. Oh diba!" panunuhol ko dahil napaka choosy niya sa babae.


"Hindi nirereto ang mapapangasawa AA dapat yung taong gusto ko at mahal ko. Kaibigan lang ang turing ko kay Ria" sagot niya habang nakatingin sa daan. Nagmamaneho kase siya pauwi.


"Wow naman. Eh sino ba kase ang mahal mo? Asa namang may mahal ka, eh ni wala ka ngang girlfriend. Ano na lang type mo?" umayos ako ng upo paharap sa kanya bigla kase akong maexcite sa tanong ko hihihihi.


Nilingon niya ako saglit sabay ngisi.


"Malamang babae" pinalo ko nga.

"Alam ko! Ibig kong sabihin anong type mo sa isang babae?" pag-iintriga ko pa.

"Syempre yung kayang sakyan ang trip ko. Kayang makipag sigawan sakin pero sa huli siya naman pala yung titiklop hahaha" natawa siya dahilan para matawa rin ako.


"Oh tapos?"

"Hmmm syempre yung faithful, stick to one at nakikinig sakin" tumango ako.


"Yun lang?" tanong ko ng hindi na nadagdagan yung sinabi niya.


"Syempre yung matipid din atsaka yung kaya akong gawan ng bahay" nangunot ang noo ko.



"Eh? Ano ka babae? Lalaki po kaya ang dapat magpagawa ng bahay tss."


"Bakit? Tinanong mo ako diba? Sinagot lang kita" nag make face lang naman ako sa kanya.


"Atsaka may bahay kana ah? Yung pinapagawa mo sakin. Paano ka pa gagawan ng bahay niyan?"


"It's logic AA, malalaman mo yan sa tamang panahon"


"Tamang panahon your face"  sumandal na uli ako sa inuupuan ko at nag-indian seat. Binuksan ko yung bintana at inamoy-amoy ang simoy ng hangin.



"Patayin mo yung aircon LA, buksan na lang natin yung bintana" utos ko na mabilis naman niyang sinunod.


"Wait" nagtaka ako sa sinabi niya kaya napalingon ako ng wala sa oras. Tinigil niya saglit ang sasakyan at may inabot sakin na......unan?


"Anong gagawin ko dyan?" tanong ko.

"Yakapin mo"

"Eh? Seryoso ka? Hindi naman ako matutulog"

"Basta yakapin mo na lang" dahil ako si AA ay hindinko siya sinunod bwahahahah. Bahala ka dyan.



Papandarin na niya sana yung kotse ng malingunan niya ako.


"Yakapin mo na AA, ayan ka na naman eh"

"Bakit muna?" bumuntong hininga siya.

"Basta, bilis na"

"Bakit nga kase muna?" tanong ko sa nang-iinis na tono. Napakamot siya sa ulo niya.

"AA wag kanang makulit, aabutin tayo dito ng gabi"

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon