-------

19 1 6
                                    

Nang makita ko si AA na umiiyak habang nakabalot ng bed sheet ay agad nagbago ang espresyon ko. Kung kanina kase ay nakakunot ang noo ko dahil hinahanap ko si Lyca, ngayon ay napaltan ng pag-aalala dahil sa kanya.




"Ganto na lang, ibigay mo sakin yan tapos pagkabilang ko ng tatlo, takbo ka palabas dito. Ok ba 'yon?" Napatigil siya't napaisip. Yun na ang huli kong plano dahil mukhang alam ko na ang nangyari kung bakit siya umiiyak. Iisa lang naman ang dahilan, nakipag break si Damian o nalaman na niya ang totoo. Nakaramdam ako ng pagsisisi sa katawan. Dapat bang sinabi ko na sa kanya o mas ayos na siya na lang ang nakaalam? Kahit anong mangyari ay masasaktan ko siya, heto nga't nagsisimula na.



Sa tagal ng kanyang pag-iisip, mabuti na lang at pumayag siya. Nakahinga ako ng ayos.







"Okay, akin na yan." Sambit ko. Marahan kong inagaw sa kanya ang doorknob upang mabitawan niya iyon. Hinintay ko siyang makapwesto para rin makapaghanda siya sa pagtakbo.





"Isa....." Nagsimula akong bumilang kasabay noon ang paglunok ko.



"Sana mapatawad mo 'ko." Nangunot ang kanyang noo sa aking sinabi. Magsasalita na sana siya ng magbilang uli ako.







"Dalawa....." Bumuntong hininga ako.




"Sana kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang AA na nakilala ko." I smiled. I saw how clueless she is but I still countinue to count.







"Tatlo." Sigaw ko. "Takbo!" Pagkasabi ko non ay siyang takbo palayo sakin ng babaeng mahal ko. Kung saan man siya pumunta, hindi ko na siya hahanapin pa.




"Aerah, open the door!" Mariin kong nahawakan ang doorknob dahil sa sigaw ni Ian. Hinanda ko na muna ang sarili bago ko binuksan ang pintuan.





"Aera---Lance? What are you doing her----" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla ko siyang suntukin.




"What the hell??" Dahil sa pagtumba niya ay napansin ko si Lyca na nasa loob rin ng banyo. Ganon na lang ang panggigil ko na suntukin siyang muli.






"Fuck you, Ian. Tangina mo." Paulit-ulit ko siyang sinuntok hanggang sa makabawi sa pagkakaupo.





"Fuck you too bro. Get off me." Naitulak niya ako dahilan ng pag-upo ko rin sa sahig.






"I trusted you. I trusted my friend to you. You fucking bastard!" Hingal na hingal kong sabi habang dahan-dahan siyang tumatayo.



"That's why I need to talk to her. Lyca, go back to your room and get dressed. I need to talk to Aerah." Mabilis akong tumayo para harangan siya.




"You can't see her. Dadaan ka muna sakin, tangina mo." Napatigil siya sa pagsuot ng bathrobe habang hinayaan kong makalagpas si Lyca.



"You can't fight me-----"






"Hoy! Bakit umiiyak si AA?!?" Naputol ang balak sabihin ni Ian nang biglang sumigaw si Billy na nasa bukana ng pintuan, kasama niya sina Stella, Hershey at Ruth. Ganon na lang ang pagtungo ko at paghabol sa aking hininga kahit pa saglit ko lang naman siya sinuntok.





"He cheated on her." I directly said. Nabigla si Ian sa sinabi ko. Dapat lang na malaman 'yon ng kaibigan ni AA para hindi lang ako ang kanyang makakalaban.



"Ano? Kanino???" Gulat na gulat na tanong ng apat.



"Lyca." Napaupo ako sa kamang narito.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon