Chapter 4

34 12 9
                                    

Kinabukasan

Nandito uli ako ngayon sa sala nila LA, ipagpapatuloy namin ang naudlot na pagpaplano. Kinikilatis niya ang sketch ko na mukang nagustuhan naman niya dahil nakangiti siyang tumingin sakin.

"This is nice AA, I love this, so kelan tayo mag start?" nakangisi niyang tanong, mukang nagustuhan niya talaga.

"Drop a date Mr. Walker, and I'll start constructing it" nakangisi ko ring balik. Ang gwapo ng bestfriend ko pag nakangisi, badtrip.

"Hmm ok Ms. Torres, by next month siguro para ma iready ko ang bulsa ko hahaha" natawa kame pareho.

"Here's your meryenda" ani Ninong, Monday ngayon day-off kuno daw niya, kaya naman nandito siya.

"Thanks ninong" "Thanks dad" sabay naming sabi.

"Money for me" "Money for us" sabay uli naming sabi, napatingin kame sa isat isa at bigla na lang natawa. Ganto kame kababaw na tao, konting maliit na bagay pinagtatawanan namin.

"Anduga mo naman, makasarili ka masyado sa pera eh" pagdadrama niya, natawa ako lalo.

"HAHAHAHAHA SORRY NAMAN, nabigla ako eh" hawak ko na ang sarili kong tyan kakatawa, ganito kame noon ni LA, may pamahiin kase kame na kapag nagsabay sa pagsalita, magkakaron o makakapulot ng pera, kaya ganun na lang ang desperado ko sa pagsabi ng "money for me" LOL.

"Kagaya pa rin talaga kayo ng dati, walang pinagbago, tsk tsk" pagmamalaking saad ni Ninong.

"Syempre naman po Ninong, parang kapatid ko na po itong si LA eh" sinabi ko yan ng nakatingin kay LA, nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan ng blangkong muka. Nangunot ang noo ko sa itsura niya.

"Why?" nag aalala kong tanong.

"Ah wala wala" sumilay naman ang bahagya niyang ngiti, pero hindi na mawala sa isip ko ang mabilis niyang pagpalit ng emosyon.

"Nga pala son" umayos si LA ng pagkakaupo bago lumingon sa ama.

"What is it dad?" takang tanong niya.

"Magkakaron ng ball ang company natin, hindi lang atin pero pati matataas at sikat na kompanya ay kasama. Matataas at kilalang tao ang pupunta kaya gusto ko sanang paghandaan mo." ngumiti naman ng bahagya ito bago tumingin sakin.

"AA ija, gusto kong pumunta ka sa ball namin kung maaari sana" sinabi niya yan ng hindi tinatanggal ang ngiti sa muka. Napatingin naman ako sa kanya ng matagal bago tumingin kay LA. Tumango tango ako.

"Pupunta po ako Ninong, basta po ba si LA ang partner ko, walang problema" sabay ngiti ng maganda.
Napangiti din naman si LA tsaka nag iwas ng tingin.

"Kelan ba yan dad? Baka may schedule ako nan" Tanong niya.

"Sus wala yan, basta ako kasama mo wala kang sched nun" tumingin siya sakin, kinindatan ko naman siya.

"Dalawang buwan pa naman kayo pwedeng makapag handa, sinabi ko lang ngayon para ma skip niyo na yung date para dun" ngumiti si Ninong tsaka tumayo.

"Pano ba yan? Meryenda palang, kung gusto niyo gumala muna kayo sayang oras, una na ako marami pa akong aasikasuhin" sabay talikod samin ni ninong.

"Tara AA igala mo naman ako, ang tagal kong nawala oh." tumayo na siya at nag ayos ng gamit.

"Sige tara, ako na dyan magbihis kana. Tutal maayos naman suot ko ngayon." nginitian niya lang ako at umakyat na ng hagdan.

Umupo ako sa sofa tsaka siya hinintay na makababa. Maya maya lang naramdaman ko na ang yabag ng paa niya, mukang pababa na siya. Kinuha ko na ang mga gamit ko tsaka inangkla ang shoulder bag ko.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon