Chapter 36

17 4 0
                                    

Dale's POV

Nakakatakot si Damian, kung sana ay kayo ang nasa sitwasyon ko ay literal na mangingilabot ka sa takot. Para kase siyang nasapian ng demonyo habang pinagsusuntok niya si Limuel.

Naaawa ako sa kanya pero kada maiisip ko yung ginawa niya sa pinsan ko parang gusto kong ipagpatuloy ni Damian yung pagsuntok niya doon. Mabuti na lang may dumating na isang gwapong nilalang at siya ang umawat sa dalawa.

Nakita ko kung paano dumugo ang labi at ilong ni Limuel kaya bigla akong naaawa pero kada lilipat ang paningin ko kay Damian ay bigla na lang akong natatakot. Ewan! Basta nakakatakot talaga siya.

Nandito na kame ngayon sa kotse ni Damian, alam niyo namang mahirap kame ni AA at walang pambili ng sasakayan pero joke lang baliw. Sadyang tinatamad pa kame kumuha ng driver's license ni AA, siguro kapag sinipag kameng dalawa ay makakuha na rin kame agad ng lisensiya.

Anyways, medyo nawala na yung takot ko kay Damian dahil napalitan iyon ng kaba para kay AA. Hindi ko alam ang gagawin ko, ako ang mayayari nito kila tita at tito eh! Letse kaseng bruhang ito hindi man lang mag-ingat!

Kahit naman ganito ako kalandi o kaharot ay alam ko ang limit ko. Ngayon nga ay may tama na ako ng alak dahil sa pag-ikot ng paningin ko pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko. Ewan ko ba naman dito kay AA, hindi lang nireplayan ni Damian ay nabroken hearted na.

Hindi ko alam ang buong kwento pero dahil sa madalas na pagtingin ni AA sa phone niya at akala mo parating may tinatawagan o tinetext ay mukhang nahulaan ko naman, sana tama ako ng hula hehehehe.

"Ahmmmm Damian, saan tayo?" akala ko kase sa condo niya kame idederetso pero nilagpasan niya lang iyon at bigla siyang kumanan.

"My house" tango na lang naman ang nasagot ko dahil kanina pa nakakunot ang noo ni Damian. Mahirap na baka ako pa ang mapagbuntungan niya ng galit hehehe.

Sinilip ko si AA na nakahiga sa lap ko, akala mong napakaamong nilalang pero kapag nagalit........akala mong kakainin ako. Hayyyyy mga Batangenia nga naman.

Yes we're proud to be a Batangenia. Hindi man namin madalas gamitin yung accent ay purong taga Batangas naman kameng dalawa.Sadyang nasanay na lang kame ni AA sa pagsasalita ng tagalog lalo na't dito na kame tumira sa siyudad half of our lives.

Hinagod ko ang buhok niya't napangiti.

Hindi kase kame close dati ni AA, sa katunayan nga niyan kung hindi dahil sa kanya ay siguro nasa Batangas pa rin ako hanggang ngayon. Mahirap lang kase talaga ang pamilya ko.

Driver lang si tatay noon sa isang mayaman na pamilya at kapag rest day niya ay nanghuhuli siya ng isda. Si nanay naman ay labandera ng mga gustong magpalaba, nagtatanim rin ng mga gulay para sa pang-araw-araw naming pagkain.

Utang ko lahat kay AA ang buhay ko. Siya ang pumilit kila tatay at nanay para payagan akong mag-aral sa siyudad. Sinabi rin niyang siya na ang gagastos sakin, lalo na sa allowance ko kaya dati ay tig kalahati kame sa allowance na binibigay nila tito at tita para sa kanya.

Wala naman akong naging problema sa basic needs ko kase nakitira na rin ako sa bahay nila, sadyang allowance lang ang problema ko lalo na kapag sandamakmak ang projects at school works.

Mabuti na lang talaga at nakagraduate ako. Kaso nga lang pangit ang natutunan ko dito sa siyudad. Naranasan kong gumimik, magnilandi at kung ano-ano pang mga ginagawa ng kabataan dito na hindi uso sa probinsiya.

Well alam ko ang limit ko at nagpapasalamat ako dahil hindi tumulad sakin si AA kahit madalas niyang nakikita ang katalandian ko. Siguro kase ay ngayon ko kang talaga naranasanan ang may marangyang buhay, hindi ko naman siya inaabuso sadyang ineenjoy ko lang hanggang sa kaya ko.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon