Chapter 34

16 4 2
                                    

Linggo na ngayon, ibig sabihin dumaan ang isang araw na walang nagpaparamdam na Damian sakin. Tanda niyo pa ba? Friday ng magkaroon kame ng friendly date ni MJ.

Then I thought that would be the best day of my life cause I already accept him again as a friend but what I didn't expect is the presence of Damian arguing with a girl. I should be the one mad at him but it didn't happen, the situation had been reversed and then when I blinked... he's now the one whose mad at me. That's life.

I try to call him but he didn't answer, I try to text him multiple times but I received zero reply. I chat him but he's not active, I want to talk to him.... but how??? I don't even know his address, even his work place I don't know either! ARGGHH.

He gives me headache, I should rest. I close my eyes and feel this soft bed at my back.

"HOY ANO AMEERAH! MAGKUKULONG KANA LANG BA DYAN MAGHAPON AT MAGDAMAG?!" wag na kayong mag-isip kung sino yan, syempre ang pinsan kong si Dale sino pa ba?

I didn't answer her, bagkus ay nagtakip lang ako ng unan sa mukha habang nakapikit pa rin ang nga mata.

"ANO NA AMEERAH?! IKAW ANG NAG-AYA-AYA SAKING MAGBAR PERO AYAN AT MUKHANG NAKAHILATA KA PA ATA SA KAMA MO!" she's annoying, everything about her annoys me.

"Shut up Dale! Give me 5 minutes of peace!"

"5 minutes?!? Eh halos hindi kana nga lumabas sa kwarto mo eh!!" marahas kong inalis ang unan sa mukha ko at naiinis na tinignan ang kisame.

She's right, simula ng gumising ako ay dalawang beses lang ata akong lumabas sa kwarto para umihi.

2 AM na akong nakatulog kanina kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit quarter to 1 na ng hapon ako nagising. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom kaya naman puro tubig lang ang iniinom ko dahil pakiramdam ko nadehydrate ang katawan ko kakaiyak.

Matapos kase akong patahanin ni MJ nung Biyernes ay umuwi na rin kame maya-maya.

Pinagkwento niya ako tungkol samin ni Damian, alam kong masakit para sa kanya kung magsasabi ako. Kaso nagpumilit siya kaya naman sa huli ay nagkwento ako simula nung una naming pagkikita hanggang sa nangyari nung nakaraang araw.

Mahaba-habang kwentuhan ang nangyari, kaya naman pinag stay ko muna siya sa condo ko ng ilang oras.

Sa kanya ako naglabas ng sama ng loob hanggang sa magsimula na naman akong umiyak. Nakikita ko sa mata niyang nasasaktan siya pero wala siyang magawa kundi ang damayan lang ako.

Gusto ko mang tumigil sa pagkukwento pero palagi siyang nagpupumilit hanggang sa matapos ko iyon.

Pagkauwi ni MJ ay doon ko palang tinadtad ng message, calls and chat si Damian pero miski isa ay hindi niya sinagot. Inabot na ako ng madaling araw kakahintay sa reply niya pero wala talagang lumalabas na pangalan niya sa screen kaya sa huli ay natulog na lang ako.

Paggising ko kinabukasan which is Saturday ay tinadtad ko pa rin siya ng text, call at chat pero walang nangyari. Nag-aaksaya lang ako ng oras at load para sa taong ayaw naman akong kausapin.

Naisipan ko kahapon na pumunta sa bahay ng mga kaibigan ko lalo na sa bahay ni Stella kaso busy daw sila sa big project na pinapagawa sa kanila kaya naman wala akong choice kundi ang mag stay na lang dito sa condo buong maghapon at magdamag.

Ngayon nga ay ganun na naman ang ginagawa ko.

"Hayy nako ewan sayo Ameerah! Dahil lang sa hindi ka nireplayan nung tao, nagkukulong kana dyan!" napaupo ako sa kama ng wala sa oras.

Hindi pa kase niya alam ang buong istorya dahil nga nagkulong lang ko kahapon sa kwarto.... at mukhang kailangan ko ng ikwento iyon sa kanya ngayon.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon