Chapter 31

15 5 0
                                    

Naglalakad na kame ngayon ni LA papunta sa pilahan ng tricyle, kailangan kase naming tumawid ng dalawang beses para makapunta doon. Heto nga at kakatawid lang namin sa unang tawiran.

Halos magkasabay kameng naglalakad ni LA at parehong nililibot ang aming paningin sa buong plaza kung saan ay naging parte ng childhood memories naming dalawa. Napangiti ako. Marami na talagang nagbago.

Time check muna pala tayo, hayyyyyy mag alas otso na. Ang tagal pala talaga ng byahe kapag commute pssh.

Bigla ay nag ring ang phone ko sa gitna ng paglalakad ko, sinilip ko muna ang daan kung may daraang sasakyan dahil patawid na uli kame sa kabilang kalsada. Nang makatawid kame ng ayos ni LA ay doon ko palang kinuha ang phone ko sa loob ng shoulder bag. Nang makita ko ang pangalan ng tumawag ay doon ko palang nagmamadaling pinindot ang accept button habang nakatingin ngayon kay LA.

"Hello pa, bakit po?" bungad ko na agad.

(Aba'y nasan na ba kayo? Inabot na kayo ng dinner wala pa rin kayong dalawa ni Lance)

"Naglalakad na po kame papunta sa pilahan, bakit pa po kayo tumawag eh-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit si papa.

(Pilahan? Hindi ba't may kotse si Lance? Eh bakit nagcom----) hindi ko rin siya pinatapos pa dahil mahirap kapag sa tawag nagpaliwanag.

"Mamaya ho explain ko sa inyo, ano ho? May ipapabili po ba kayo dito?" taka kong tanong habang nililibot ang mata ko sa paligid.

(Oo sana eh, pwede bang ibili niyo kame ng milktea dyan sa kanto? Nagke crave ang nanay mo)

(Hoy! Hindi ako ah, baka ikaw yun Leonardo! Huwag mokong idadamay dyan!) narinig kong sigaw ni mama sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako.

"Sige po ibibili po namin kayo, yun lang po ba?"

(Oo anak yun lang, yung 1 liter na ang bilhin mo promo nila yun ngayon bayaran kana lang namin pagkarating niyo) mukhang madalas silang bumibili ng milktea dito, alam na alam ang promo eh.

"Hindi na po, wag niyo na pong bayaran. Tutal wala rin naman po kameng pasalubong sa inyo"

Kinulubit ko si LA na ngayon ay nauuna na saking maglakad, tumigil siya at nilingon ako ng nagtatakang tingin pero tanging pagturo na lang ng kamay ang nagawa ko. Hindi niya nagets ang sinasabi ko kaya naman sa huli ay hinigit ko siya taliwas sa dinaraanan namin, para puntahan yung milktea shop na nadaanan namin kanina.

"San tayo pupunt----" hindi ko narinig ang sinabi niya ng magsalita si papa.

(Ganun ba.......sakto nga naman ang cravings mo mahal hahahahaha) mukhang ang kausap ni papa ay si mama dahil sa pagsigaw nito sa kabilang linya.

 (Hoy Leonardo, huwag mokong idadamay-damay dyan. Ikaw ang nagkecrave at hindi ako)" Napailing na lang ako sa ingay nilang dalawa. Mabuti na lang hindi sila nirereport ng mga kapitbahay nila sa ingay nila hayyyy.

Binaba ko na ang tawag pagkatapos kong magpaalam, nakarating kame ni LA sa milktea shop na may ngilan-ngilang tao. Hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok dahil bigla na lang ako nakaramdam ng gutom. Wahhhh yung mga alaga ko, gutom na!!

Ramdam ko namang sumunod din si LA papasok kaya nilingon ko siya at kinausap.

"Nagpapabili sila mama ng milktea eh, ikaw anong gusto mo? Ako na ang oorder" nilingon niya ang menu board sa taas na mukhang nag-iiisip na siya ngayon ng oorderin.

"Dalawahin mo na lang yung order nila tita, sa labas lang ako" tinanguan ko lang siya matapos niyang sumagot. Nagtaka man ako sa paglabas niya, pero hindi ko din siya masisi dahil biglang dumami ang tao dito ngayon sa loob.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon