Chapter 52

17 1 6
                                    

"Wala kang dalang kotse, A?" takang tanong ni LA nang lumapit ito sakin sa ilalim ng puno.

"Wala, susunduin ako ni Damian." sagot ko saka pinagpatuloy ang pagkain ng mais.

"You have date?" mabilis akong umiling.

"Hindi, bonding lang." napansin kong tumango-tango lang siya bago inagaw sakin yung mais na hawak ko.

"Akin ya----HOY! BADTRIP KA!" singhal ko ng kagatan niya iyon. Bumusangot ako at pinagkrus ang dalawang braso.

"Nagcrave ako eh, sorry. Pabili kana lang kay Ian." inirapan ko na lang siya bago nilingon yung mga workers namin na papalabas sa site.

"Ma'am, Sir una na po kame. Mag-iingat po kayo." paalam ng isa sa kanila. Tumayo ako at naglakad palapit.

"Ingat din po, magpahinga po kayo ng ayos." kumaway na ako sa kanilang lahat bago sila nagsimulang maglakad. Napansin ko si LA na nila-lock na ang site.

Lumapit ako sa kotse niya at kinuha ang gamit ko doon sa loob. Pagkatapos ko kaseng puntahan yung isang site sa Tagaytay ay dito na ako dumaresto para matignan ang bahay ng kaibigan ko. Syempre para na rin masundo ako ni Damian, nakakaawa naman kung sa Tagaytay pa ako magpapasundo.

Pagkatapos kunin ay nagsimula na akong maglakad.

"Saan ka pupunta?" narinig kong tanong niya. Sinagot ko siya pero hindi man lang tumingin sa kanya.

"Sa labasan, doon na lang ako magpapasund---"

"Sa bahay kana magpasundo."

"Hindi na, malapit lang naman yung gate eh. Atsaka para hindi na ilabas ni Damian yung lisensiya niya, ang hussle kay---"

"I said get in the car A." napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang ma-autoridad niyang tono. Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse at maghintay sa bahay nila.



Ayoko lang naman talagang pahirapan pa si Damian. Nakakainis kayang maglabas-pasok ng lisensiya sa wallet. Masyado kaseng strict 'tong subdivision nila LA, dami nilang alam.


Nang makarating naman ay nakaamoy agad ako ng pagkain. Napalunok ako sa gutom. Wahhhhhhh hindi ako pwedeng kumain dito! Masisira ang plano namin ni Damian T_T

"Oy! Bakit nakatulala ka dyan?" bigla ay tanong ni LA ng makitang nakatayo ako sa pinto ng dining area. Nakanguso ko siyang nilingon bago tumalikod sa kanya.

"Huwag mo akong ayain. Busog pa ako." naglakad ako at umupo na lang sala, binuksan ko na rin ang tv para malibang ako kahit papaano. Idinahilan ko lang iyon para hindi na niya ako tawagin kaso parang mali ata ang ginawa ko T_T

"Sigurado ka? Adobong pata pa naman ang ulam." Hindi ko siya pinansin at tinuon lang ang paningin sa paghahanap ng mapapanood.

"Hoy sigurado ka talaga? Oo at hindi lang." pangungulit niya pa. Nakagat ko ang loob ng pisngi ko.

"Ikaw bahala A. Basta kapag nagutom ka, kumuha ka lang ng pagkain." Pinindot ko yung Japanese movie na nakita ko. Action kase at medyo exciting yung preview kaya naexcite ako ng konti. Nagbabakasakali na rin na makakalimutan ko yung amoy ng pagkain pssh.

Tinext ko na muna si Damian bago nanood.

(Nandito ako kila LA. Anong oras mo ako susunduin?) maya-maya lang din naman ay nagreply siya.

(In a minute, I'm just finishing something.) binaba ko na lang iyon sa mesa at hindi na nireplayan. Nanood na lang ako sa Netflix ngunit sa kasamaang palad ay may tumabi saking demonyo.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon