Chapter 56: Boyfriend

6 1 2
                                    

Nagdadrive na ako ngayon papunta sa Tagaytay. Sa totoo lang halos hindi ako makatulog kagabi dahil for the first time in my life, nagkapicture rin kame sa wakas ni Vice, ipapa frame ko nga yun pag nagka-oras ako eh, at dahil na rin kay LA. Nasagap ko kay Dale na, nagtrending yung huling part ng interview ni LA sa twitter. Wala naman na akong nagawa kundi hayaan sila kapalit ng pag-o-overthink ko.

Malapit na sana ako sa site ng biglang may tumawag sakin. Kino-nect ko iyon sa bluetooth ng kotse para makapag focus pa rin ako sa pagmamaneho.

"Hmm, who's this?"

(AA! Uwi ka sa bahay after, papakilala kita sa friend ko.) Nagulat ako sa sinabi ni ate pero agad rin naman akong tumango.

"Sige ate, txt na lang kita."

(Ok, A! See yah.) Napangiti ako sa excited niyang tono. Mukhang close na close sila nung friend niya na 'yon para maging ganon kaexcited ang kanyang boses. Dahil sa pinarinig niya sakin ay hindi tuloy nawala ang ngiti ko.

Hindi pa man ako nakakababa pagkarating ay agad na akong sinalubong ng kasama kong engineer. Pinara niya ako at hinintay na makababa bago pa kame nakipag kamayang dalawa.

"What is it engineer?"

"About the meeting we had last time, did you find another supplier?" Nanlaki ang mata ko. Shit! Nakalimutan ko!



"I-I'm sorry, engineer. I forgot----"

"Its alright, I already found another supplier. I am just asking you." I sighed in relief.



"Is that so? Where is it?" Sinabi niya ang location sakin at hindi na rin naman gaano kalayo iyon. Nagtuloy ang usapan namin hanggang sa makapasok kame sa site. Ang daming nadelay na materials, ang iba ay wala pa kaya naman ganoon na lang kagabal ang usad namin sa paggawa. Ilang oras ang lumipas at kahit pag-inom ng tubig ay hindi namin magawa ni engineer. Kaya naman inabutan niya ako ng tubig pagkagaling ko sa banyo.

"Thank you, engineer." Tinanguan na lang naman niya ako.

"Anyway, shall we eat? I'm starving." Tinignan ko yung oras sa phone ko at halos mag 1 pm na pala.

"Lets go. Mahirap malipasan ng gutom." Pinatigil na namin ang workers namin saka sila pinaglunch. Di tulad ni LA, dito walang free food. Tuloy ay inaya ako ni engineer na sumabay kumain sa kanya tutal wala na akong oras para maghanap pa ng kakainan. Pumayag na ako dahil gutom na rin ako.



"I'm always here in Tagaytay, and this place was my favorite one." Pagkababa sa sasakyan ay pumasok agad kame sa isang kainan. Hindi na pinadala ni engineer ang sasakyan ko, nagpresinta siya na sa kanya na lang ako sumakay para hindi na rin hassle saming dalawa.







"Hijo! Narito ka uli. Halika upo." Nagtaka ako sa sinabi noong matanda ngunit pinagwalang bahala ko agad iyon saka namili ng makakain.



"La, this is my co-worker. Engineer Torres, this is lola, the owner of this bulalohan." Dahil nga nasa tagaytay kame, bulalohan ang usong kainan dito.

"Kay gandang dalaga...." Napangiti ako. "Iyo ba siyang napupusuhan?" Nawala ang ngiti ko't namilog ang mga mata.

"Hindi la, kilala niyo ang gusto ko. At wala na siya rito." Tila humanga ako kay engineer Deguzman nang magsalita siya sa tagalog. Kadalasan ko kase siyang naririnig magsalita ng english kaya naman nakakapanibago na marinig siya ngayon.

"Bigyan mo ng tyansa ang sarili mo na magmahal uli, mahirap tumandang mag-isa, hijo. Alalahanin niyo iyan." Saka naglakad palayo si lola papasok sa isang pintuan.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon