Chapter 24

29 8 13
                                    

Kinabukasan

"So ano teh? Hihilata na lang ba tayo sa kwarto ko? Atsaka bakit ba biglaan ang dalaw mo? May problema ka noh?" si Billy yan na kanina pa dada ng dada habang nagpapagulong- gulong ako sa kama niya. Pagkatapos kase akong ihatid kanina ni LA sa condo ay dumaretso agad ako dito sa bahay ni Billy. Para sana mag-isip-isip kaso paano ko magagawa iyon kung ayaw tumahimik ng baklang to? Tss.

"Pwede ba Billy manahimik ka muna, sabi ko naman sayo papuntahin mo sila Stella para makapag-inuman tayo" medyo naiinis ko ng balik, tangka niya akong babatukan ng itakip ko sa mukha ko ang unan na malapit sakin.

"Hmm! Bwisit kang babae ka! FYI lang noh! Bahay ko po ito makautos ka hah. Atsaka kanina ko pa sila kinontact maya-maya rin ay nandyan na yung mga yon" tugon niya, dumapa lang naman ako.

Speaking of LA nga pala, oo sa kanya ako sumabay pauwi habang si Lyca daw ay kay Damian nakisakay. Hindi ko alam kung bakit pero diba na a bahay ni Ninong siya nags-stay? Bat kailangang kay Damian pa siya sumabay, kung doon din naman ang uwi ni LA? Aist ewan, bigla na lang akong nairita ng maimagine si Damian at Lyca na magkasama. Argghh ano bang nangyayari sakin? Diba dapat galit pa ako kay Damian? Bwisit!

Maliban kay Lyca ay wala na siyang sinabi pang iba, ni hindi nga niya binuksan yung nangyari kagabi eh. Pakiramdam ko walang nangyaring suntukan at sigawan kagabi na sana totoo na lang dahil parang kulang ang pagkatao ko ngayon.

Ilang oras din ang lumipas ng makarating ang mga kaibigan namin, medyo nakaidlip rin ako kakahintay sa kanila dahil napakatagal nilang dumating. Nagising na lang ako sa paggalaw ng hinihigaan ko kasabay ng pagkiliti sa paa ko.

"ANO BA! TUMIGIL NGA KAYO" ritabkeng sigaw ko ng hindi sila tumigil, narinig ko ang sabay-sabay nilang pag ohhhh.

"Ang bakla, mukhang may problema hahahahah" boses ni Ruth na nasa bandang paanan ko, mukhang siya yung kumikiliti sakin.

"Mukha nga teh, kanina pa yan ganyan eh. Tara na nga muna at kumain, ready na ang lunch" sambit ni Billy kasabay ng pagbukas ng pinto, mukhang pababa na sila.

"Una na kayo Ruth and Hershey kausapin ko lang si AA" narinig ko pang ani Stella banda sa kanang tenga ko, mukhang nakaupo siya sa kama ni Billy ngayon. Tumagilid ako taliwas sa pwesto niya na mabilis naman niyang pinigilan kasabay ng pagtanggal ng unan sa mukha ko. Ganun na lang ang pagtingin ko sa kanya ng masama matapos gawin iyon, ang liwanag tuloy tss.

"Tumayo ka nga dyan, ang panget mo alam mo ba yun?" panlalait pa sakin ni Stella. As if namang matatamaan ako, eh sanay na ako sa panlalait nilang lahat lalo na kay Billy.

"Aist! Halika nga, ano bang problema mo?" nag-uusisa niyang tanong, bumuntong hininga ako bago umupo sa kama at tumingin sa kanya.

"May nanliligaw sakin" yun na agad ang bungad ko pero ang loka hindi man lang nagulat.

"What? Hindi ka man lang magrereact, magagalit o maiinis dahil tinago ko?" umiling siya.

"Ok lang naman sakin, alam kong mahirap makakuha ng lakas ng loob para mag open-up atsaka alam kong magkukwento at magkukwento ka sakin kahit anong mangyari, late man o hindi" nakangiti niyang paliwanag, napaiwas ako ng tingin.

"So anong nangyari sa manliligaw mo?" dagdag pa niya. Humugot na muna ako ng malalim na hininga bago kinuwento sa kanya si Damian. Simula sa una naming pagkikita hanggang yung nangyari kagabi. Hindi ko na sinama yung nalalaman ko kay Damian at Lyca dahil ibang usapan na iyon.

Sa totoo lang pagkatapos kong makapag open sa kanya ay bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko, pero syempre nandoon pa rin yung kulang sa pagkatao ko.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon