Chapter 12

36 9 16
                                    

Ps: I changed the name of AA's gay friend, Daniel siya dati pero pinalitan ko ng Billy, sorry.

-------------------------------------
Nandito pa rin ako kasama ang mga kaibigan slash katrabaho ko dati. Ngayon ay nandito kame sa sala, naghahanda para sa swimming habang ang ibang guest ay umuuwi na dahil masyado ng gabi.

"Teka, hanapin ko lang ang pinsan ko. Magpalit na kayo kung gusto niyo" ani ko sa kanila bago umalis sa sala at hinanap si Dale. Simula ng makarating siya ay hindi ko na uli siya nakita tss, napakapasaway talaga. Pumunta ako sa likurang parte pero mga nag-aayos lang na staff ang nakita ko, dumaan ako sa kanang bahagi ng bahay pero mga guest lang na naglalakad palabas ang nakita ko. Hayyyyyy nasan na ba iyon. Umikot ako at tinignan ang kaliwang bahagi ng bahay ng may marinig akong ungol banda sa bakod.. Nilingon ko ito pero dilim lang ang nakita ko at makakapal na halaman.

Naglakad na uli ako ng makarinig uli ng ungol, napapikit ako ng mapagtantong boses ni Dale yun.

Babaita ka! Humanda ka talaga sakin!!

Kunot-noo kong hinawi ang kada halaman na malalapitan ko, kahit na natutusok ako ng mga tangkay nito ay wala akong pakialam. Alam ko ang pwedeng gawin ng pinsan ko pero sana wag dito sa bahay ng Ninong ko tss!!!

Sa pinaka gilid ng bakod ay doon ako may nahawakan, para iyong balat ng tao kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na hawakan ang kung ano mang parte ng katawan na iyon bago hilahin palabas ng halaman na iyon.

"OMY!!"

Napapikit ako ng mata sa inis at napagtantong si Miguel ito na magulo ang buhok, syempre sino pa ba ang titili ng ganun edi ang pinsan kong malandi.

"What the fuck Dale?!? Dito pa talaga hah!??" pagkamulat ay iyon na agad ang ibinungad ko, pinigilan ko ang sarili na hindi sumigaw dahil baka makaagaw kame ng atensyon pero mahirap magpigil kung inis na inis kana. Matalim akong tumingin sa dalawa, si Miguel na nakangisi lang habang si Dale na hindi ko alam kung natatakot sakin o nanghihinayang kase hindi natuloy yun tss.

"Bakit ba A? Masama ba??" kunot-noo na din niyang sambit. Napalingon ako sa katawan ni Miguel na wala sa pagkakabutones ang longsleeves niya, nilingon ko naman si Dale na wala sa orihinal na posisyon ang strap ng dress niya habang nakataas ang ibabang parte ng palda.

"Walang masama ok? Kilala na kase kita, kaso wag naman dito sa bahay ng Ninong ko please lang." pagmamakaawa ko, nawala ang pagkakakunot ng noo niya bago nagbaba ng tingin. Nilingon ko uli si Miguel na nakangisi pa rin.

"Pwede ba, stop smirking hindi bagay sayo. Mag-ayos kana Dale, magsuswimming na tayo" yun lang at iniwan ko na sila pero bago pa ako makalayo ay narinig ko pang nagsalita si Miguel.

"Tss ang sungit, pag yan naikama ko tanggal ang pagsusungit niyan" napatigil ako sa paglalakad, bigla ay kumulo ang dugo ko.
Napaka bastos!
Gusto ko siyang lapitan, sabunutan at sipain pero pinigilan ko ang sarili ko. Huminga na ako ng malalim bago uli naglakad palayo sa kanila. Pag binastos niya pa uli ako, makakatikim na siya sakin.

Naabutan kong bihis na lahat ng kaibigan ko ng pang-swimming. Mga naka two piece ang tatlong babae habang naka tshirt na puti at shorts si Billy.

"Bilisan mo magbihis bakla, hintayin kana lang namin sa labas hah" yun lang at tinanguan ko lang sila, sinundan ko pa sila ng tingin hanggang makalabas sa sala at makarating sa pool. Padabog akong umakyat sa hagdan bago pumasok sa kwarto ni LA. Kumatok na muna ako pero ng walang sumagot ay pumasok na rin ako. Dumaretso ako sa banyo at nagpalit ng pagswimming ko, katulad kahapon T-shirt at cycling lang din ang isinuot ko. Pagkalabas ay nakita ko si LA na nagbibihis na rin, hindi ako nagulat sa presensya niya dahil habang nagbibihis ay narinig kong bumukas sara ang pintuan.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon