Chapter 49

16 3 0
                                    

"Your so gorgeous A, happy birthday" manghang sambit ni LA pagkalabas ko ng kwarto. Hinintay kase ako nila makalabas, ayun nga at ready na sila. Yung dapat 6 ang start ng party ay naging 6:30 na. Nabulyawan pa ako ni mama sa sobrang bagal ko daw kumilos pero ang totoo ay dapat itong kaibigan at pinsan ko ang pinapagalitan niya at hindi ako.


Nginitian ko lang siya bago inangkla ang kamay sa braso niya. Dapat si Damian ang mag-eescort sakin pababa kase nga siya ang manliligaw or should I say boyfriend ko pero kanina pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.


LA tuloy ang naging escort mabutu't pumayag siya.. Nauna na sila mama at Dale pababa habang malayo pa lang ay rinig ko na ang ingay ng party music sa hall.

Nalulungkot man ako na wala si Damian ngayong kailangan ko siya ay napalitan naman yun ng tuwa ng malamang si LA ang aalalay sakin. Ngayon na lang siya nakaattend uli ng birthday ko kaya naman kailangan naming sulitin.


Nang makarating sa hagdan ay biglang nagsitahimikan ang lahat. Gusto ko mang libutin ng tingin ang buong hall ay hindi ko magawa dahil bigla ding nag dim ang ilaw. Yung kaninang party music na naririnig ko ay napalitan ng slow instrumental song. Kabado tuloy akong tumingin kay LA, siya naman ay binigyan lang ako ng naninigurong ngiti, sinasabing nandito lang siya sa tabi ko.


Nabalik sa harapan ang paningin ko ng biglang magsalita ang emcee.



"Stand up everyone and give a warm of applause to our celebrant, Miss Ameerah Astrid Torres" dahil sa sinabi niya ay humigpit ang hawak ko kay LA. Dahan-dahan siyang nauna saking bumaba bago ako inalalayan sa hagdan. Suot ang black niyang tuxedo pero wala na ang black cap. Maayos na rin ang buhok at pormal na pormal sa suot. Napangiti ako.


Pakiramdam ko debut ko uli. Yung pangarap naming dalawa na siya ang magiging escort ko sa araw na yun. Na siya din ang magiging first dance ko at kung pwede nga lang daw ay siya na rin sa last dance kaso hindi nangyari.


Nawala ang ngiti ko't tumingin kay LA na nakatuon lang sa pagbaba namin. Hindi nangyari yun eh, kase umalis siya at iniwan ako. Pero ngayong siya ang nag eescort sakin pababa, pakiramdam ko kumpleto na ang teenage life ko. Siya lang naman ang kulang noon pa man eh, sadyang ngayon lang ako sinuwerte na maranasan iyon. Mabuti nga't naranasan ko pa kesa naman sa hindi na talaga.


Nakababa kame ng maayos habang nakangiti kameng pareho. Maraming flash ng camera ang bumungad samin pero hindi noon naalis ang ngiti at tuwa ko. Ngayon lang ako naexcite ng ganito sa birthday ko, sana lang may magandang mangyari maliban sa pagbabati naming dalawa. Hinatid niya ako sa center stage pero bago pa man siya bumaba ay may sinabi pa muna siya sakin.


"One wish has been granted and that is to escort you on your birthday. Happy birthday again A" niyakap na muna niya ako bago siya tuluyang bumaba. I smiled, a big one.



"Ahmm good evening everyone" pagsasalita ko sa mic ng may nag-abot sakin noon.



"I would like to thank each and everyone of you for coming to my party. I know this isn't that special to you but for me, this is the special day in my life" kahit may kulang talaga. Wala si Damian eh! Jusko!

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon