Chapter 20

30 8 14
                                    

Bago ko simulan ito, nagpapasalamat ako sa mga silent readers diyan. 300 readers na tayo KYAHHHHHHHHHH. Kung wala kayo hindi ako magkakaron ng inspirasyon na ipagpatuloy ang istoryang ito hehehehe. Thank you talaga!! Also, magvote na rin kayo at comment! Nirereplayan ko naman lahat. Kamsamnida and borahae😘💜

---------------------------------------------

Kinabukasan ay maaga akong nagising, ako na ang nagluto ng breakfast namin ni Dale habang natutulog pa siya. 9 AM kase ang napag-usapan namin ni Lyca kagabi kaya heto't gising na ako kanina pang 7. Nagluluto ako ngayon ng biglang may tumawag sakin. Dali-dali akong pumunta sa dining table at pinindot ang tawag, niloud speaker ko na lang kase naggagayat ako ngayon ng bawang, sibuyas at kamatis para sa
umagahan namin ngayon.

"Good morning A" napangiti ako sa bati nung nasa kabilang linya.

"Morning din Damian, nag breakfast kana ba?" tugon ko habang naggagayat pa rin.

"Yeah, actually I'm on my way now to my work. How about you?" balik niyang tanong, mukhang maganda ang gising niya ah.

"Ahmm nagluluto ng breakfast, nga pala magmo-mall kame ni Lyca mamaya" paalam ko, sinabi ko lang para alam niya baka kase dalawin niya ako sa site.

"Why? Edi hindi ka pumasok?" taka niyang tanong, napatango naman ako kahit hindi niya nakita.

"Yeah, actually si LA ang nagsabi na samahan ko si Lyca magmall, boring na daw kase siya sa bahay nila LA kaya ayun pumayag na rin ako" paliwanag ko, natahimik naman ng ilang segundo yung kabilang linya.

"Can I join you at lunch?" bigla ay tanong niya, nagtataka man ay pumayag na rin ako.

"I text you where mall are we ok? Sige na ingat" paalam ko, sisimulan ko na kaseng magluto dahil 8:15 na OMG!

"Ok see you later, I love you" yun lang at binaba na niya ang tawag, napangiti naman ako dito na parang baliw. Hindi ko alam pero ang lakas ng epekto sakin ng I love you niya kaso hindi ko pa maibalik dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.

Nagsimula na nga akong magluto ng itlog na may sibuyas at kamatis. Isinunod ko naman yung bawang para sa fried rice, pagkatapos kong magluto ay kumain na rin ako. Tamang scroll sa FB at IG lang ang ginawa ko habang kumakain, after kumain ay naligo na ako.

Nagbibihis na ako ng biglang magring uli ang phone ko, naiwan ko palang bukas ang data kaya heto't nakatanggap ako ng video call sa messenger. Sinagot ko iyon pero mabilis ko ding pinindot yung off cam.

"Hi AA!! Oh----why your cam is off?" bati niya na sinundan din ng nagtatakang tanong. Binaba ko sa kama ko yung phone bago nagbihis.

"I'm naked Lyca sorry, I'll just finish bathing" paliwanag ko sa kanya, narinig ko naman siyang napa ohhhh ng mahaba.

"Is that so, I'm just checking you if you're already awake hihihihi I'm sorry if I disturb you"

"It fine tho hahaha, you look excited by the way"

"Yeah hahahah I'm on my OOTD now, look" sambit niya sabay tapat sa full length mirror yung camera. Napangiti na lang ako, well inadd niya kase ako sa fb nung araw na natapilok lang syempre kinorfirm ko agad, baka sabihin niya pafamous ako HAHAHAHHA.

"Wow you're pretty" puri ko, nakita ko naman siyang natuwa sa sinabi ko.

"Thank hahahaha, you better dressed up now. I'll just eat breakfast bye!! See you later" nagbabye na rin ako kasabay ng pag end niya ng call. Napaamang na lang ako pagkatapos nun. Ready na siya at ang ganda-ganda na ng suot niya tapos hindi pa pala siya nagbebreakfast? Napailing na lang ako sa naisip. Mukhang excited nga siya hahahahahaha.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon