Chapter 1: Resignation

173 13 51
                                    

 "Ano ba Ameerah! Hindi kana talaga natuto, ano. Paulit ulit ko nang inexplain sayo kung pano gawin yan, susko! Hindi mo pa rin makuha! +" Sabi ng bakla kong instructor. Hindi ko naman kasalanan na ayoko nang tinuturuan ako. I have my own understanding and this gay sucks me.

"Sorry Sir, I mean Maam. Nasanay lang po akong walang nagtuturo kaya ganyan po." Anang ko.

"Hayyy susko. Sawa nako dyan sa dahilan mo na yan, for almost 4 years ka ba namang nagtatrabaho dito eh, sino ba namang hindi magsasawa. And FYI dapat ikaw ang mag adjust at hindi kame, matatanggalan ako ng kilay sayo." Balik niyang sabi sakin. As if I care, wala na akong nagawa kundi ang gawin na lang.

"As if may magbabago kung mag adjust man ako diba, halata naman sa inyo na ayaw niyo sakin! Hindi niyo man sabihin, ramdam ko, ok? Hindi ako tanga. Kung araw-araw niyo lang din naman ako pagbubuntungan nang mga galit niyo, then I'm resigning no buts and no hate. " At ayun inalisan ko nga sila. Nakakainis! Lagi na lang nila akong binubulyawan, kesyo ganto kesyo ganyan, hindi ko daw sinusunod patterns nila, and so? Sa totoo lang, mas maganda pa nga blueprint na nagagawa ko kesa sa mga gawa nila eh. 

Pumunta ako sa head office para mag resign, ayoko na talaga hindi ko na kaya. Kumatok muna ako for respect.

"Come in!" As if on cue pumasok ako.

"Hi Ninong!" And yes, hindi kayo nagkakamali. Ninong ko ang may-ari ng kompanyang ito, kaya siguro ganun na lang ang trato nila sakin kase close kame ng CEO.

"Oh yes hija? Ba't ka napapunta?" Tanong niya, kinabahan ako bigla. Baka kase sabihin niyang wala akong utang na loob sa pagpasok niya sakin dito dahil sa biglang pag-alis ko.

"Uhm kase po Ninong....." Magkasakblob ang dalawa kong kamay habang nag-iisio kung paano sisimulan ang sasabihin.

"Mag r-reresign na po ako." Napapikit kong sabi.


"Oh bat naman? Marami ba sila pinapagawa sayo?" Napatigil siya at napakamot sa ulo.

"Hayaan mo at sasabihan ko yan si Sam---" Pinutol ko siya sa gustong niyang sabihin.


"Hindi po Ninong, sa 4 years ko pong pagtatrabaho dito, smooth naman po ang daloy, sadyang napag isip-isip ko lang pong maghanap ng iba pang trabaho."





"Gusto ko pong maging independent para sa sarili ko, ayoko pong may natulong sakin kaya't nandito ako sa posisyon ko." Dagdag ko.



"Hija deserve mo naman yang posisyon mo na yan eh, pinaghirapan mo yan diba? Kung naiilang ka sa mga taong nakapaligid sayo, wag mo na lang silang pansinin." Payo pa niya sakin. Napabuntong hininga ako. Ninong naman, pagayan mo na ako.


"Pero Ninong desidido na po ako, sana po maintindihan niyo. " p
Pagmamakaawa ko.


"Sige Ameerah, kung yan ang desisyon mo, wala akong magagawa. Salamat dahil naging parte ka nang kompanya ko at maayos naman ang pagtatrabaho mo, ipagpatuloy mo lang yang kasipagan mo hanggang dulo." Nakangiti niyang sabi, napangiti din naman ako.


"Salamat po Ninong, I owe you a lot." Sa huling pagkakataon ay nag hug kame.




Bago ako lumabas ay binigyan niya muna ako ng sandamukal na calling cards. Yun daw yung mga companies na hiring for Engineer like me, and yes, I'm a professional civil engineer. My name is Ameerah Astrid C. Torres 23 years old.


Pagkatapos na pagkatapos ko kaseng makagraduate for Masteral ay kinuha na agad ako ni Ninong Dave dahil isang Engineering company naman ang pinapatakbo niya, pero siguro nga kaylangan ko ring maging independent sa edad kong ito, yung walang backer para lang tumaas ang posisyon.


Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon