Chapter 14

39 8 13
                                    

Ngayon ay pauwi na uli kame pabalik sa bahay nila LA, kahit gusto ko ng umuwi sa condo ay hindi pa pwede dahil yung ilang gamit namin ni Dale ay nakila Ninong Dave pa kaya heto at dadaanan na muna namin. Dahil sa sobrang traffic sa Manila ay nakaidlip na kameng mag pinsan, ito namang dalawang nasa unahan ay nagsalitan sa pagdrive ng sasakyan. Pinaidlip na muna ni LA si Damian at nung magising ito ay nagpalit na sila ng pwesto para si LA naman ang makapag pahinga. Nang magising naman si LA ay hindi na siya hinayaan pang makapagdrive ng kaibigan hanggang sa makauwi kame.

Kanina rin habang tulog yung dalawa ay panay ang silip sakin ni Damian sa rear view mirror, ako naman ay panay iwas sa tingin niya. Hayyyyyyy hanggang kelan ba Damian! Ginugulo mo isip ko!!

"Dalie gising na, nandito na tayo" sambit ko ng makarating sa harap ng bahay ni Ninong, hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil mabilis na akong lumabas. Si Damian na rin ang gumising kay LA na tulog pa rin hanggang ngayon. Umikot ako at binuksan ang pinto kung nasan si Dale para higitin palabas, mabuti na lang gising na siya ng gawin ko yun hahahah talagang kakaladkarin ko siya kapag hindi pa.

Sabay-sabay na kameng pumasok na apat habang nagstretch ng katawan yung dalawa. Nginitian ko si LA ng magtama ang paningin namin bago pumasok ng tuluyan sa gate.

Ako na rin ang nagbukas ng main door dahil ako ang nauuna sa kanila, at ganun na lang ang pagkamangha ko ng makita ang niregalo ko kay Ninong na asa tapat mismo ng pintuan.

"Wow, ang ganda" narinig kong manghang ani Dale. Ako ay parang napipi dahil hindi ko expect na sa mismong entrance ilalagay ni Ninong yung painting ko, awww nakakatouch.

Lumapit ako ng dahan-dahan doon bago tumigil sa harapan ng gawa ko. Kung hindi ko to gawa ay aakalain mong isang propesyonal na painter ang gunuhit noon, kaya ganun na lang ang saya ko ng makitang nasa bungad iyon ng pinto ni Ninong.

"Oh nakauwi na pala kayo, tamang-tama nagluto ako ng dinner" boses ng pangalawang tatay ko, agad akong lumingon sa pwesto niya at nakitang kalalabas lang ng kusina. Nilingon niya ang tatlong nasa likuran ko at hinuli ako, sinilip niya pa muna ang painting na nakadisplay bago ngumiti sakin ng maganda.

"Your art is more than beautiful, thank you AA" namuo ang luha ko sa mata bago tuluyang lumapit sa kanya. Yumakap ako na para bang isang totoo ko siya ama. Napakasarap sa pakiramdam na naappreciate niya ang hindi ganun kabonggang regalo, talagang mapapaiyak kana lang sa taong nasa kanya na ang lahat.

"Always welcome po Ninong, di ko po expect na magugustuhan niyo" niyakap niya ako pabalik, naramdaman kong iminuwestra niya sa tatlo na pumunta na sa kusina dahil dinala niya ako sa ganung posisyon papasok.

"Alam mong mas gusto ko ang effort ng tao kesa sa mamahaling bagay" sambit na niya ikinahigpig ng yakap ko, ginulo niya pa muna ang buhok ko bago dahan-dahang kumawala sa yakap.

"Makasama ko lang kayo ng anak ko ay masaya na ako, kaya ng bumalik siya ay higit na sumaya apa ako dahil nagkasama na uli kayo" nag-angat ako ng tingin at napansin kong nilingon niya si LA na nakaupo na sa hapagkainan. Nakatingin lang ito samin habang magkadikit ang parehong kamay na nasa ibabaw ng lamesa.

"Hinding-hindi ako magsisisi na naging pangalawa mokong ama, kung sana nga lang ay ikaw ang mapapangasawa ni Lance ay mas matutuwa ako pero sadyang hindi lahat ng gusto mo ay matutupad hindi ba" nilingon ko uli si LA na ngayon ay nagbaba na ng tingin.
Gusto ni Ninong na ako ang mapangasawa ng anako niya? Imposible yun! Magkaibigan kang kame eh.

Ani ko sa isip, pero may parte ng puso ko ang kontra sa sinabi ng utak ko. Bigla ay napabuntong hininga ako, bago tuluyang kumalas sa yakap. Naisip kong, hindi pa talaga alam ni Ninong ang nangyayari sa anak niya hys. Kung ako kay LA magsasabi ako sa tatay ko kung ganito namang napakamaintindihin niya.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon