Chapter 37

17 3 6
                                    

Pagkatapos din ng araw na iyon ay nagsama-sama kame sa bakuran ng bahay nila Ninong para magprepare ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.

Hindi naman binaha ang bahay niya kaya magandang lugar ito para makapagbalot kame ng pwedeng ipamigay.

Kasama ko ngayon ang buong tauhan namin sa site pati na rin ang mga kaibigan kong sila Stella dahil hindi namin ito matatapos ni LA ng kame lang dalawa.

We need unity and cooperation kaya kinausap ni LA ang workers namin kung pwedeng huwag na munang magpatuloy sa paggawa ng bahay dahil mas kailangan naming ng tagabalot at tagabuhat sa mga sako-sako at box-box na dinedeliver dito ngayon.

Kameng limang magkakaibigan ang naglalagay ng mga easy to cook foods at bigas sa iisang plastic. Yung dalawang maid nila Ninong at ibang workers ang naglalagay non sa isang box at syempre taga buhat yung ibang natirang tauhan na madalas din namang tumutulong sa pagbabalot ng mga relief goods.

Yung nangyari kahapon, walang tigil ako sa pag-iyak kagabi dahil naroon lang naman sa Batangas ang buong pamilya ni papa.

Kung papapiliin ako ay mas gusto ko yung side ni papa dahil napakabait nila sakin/samin ni mama. Wala silang tinatapakan na tao o miski panliliit ay hindi ko naramdaman sa kanila.

Ang pinaka-inaalala ko ay si lola Panya. Ang pinaka-paborito kong lola sa lahat, 92 na siya ngayong taon. At sana ligtas lang siya/ sila ngayong nasalanta sila ng bagyo. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanilang lahat.

Si LA ay walang nagawa kagabi kundi ang damayan ako. No choice din siya kundi ang kausapin ako kahit pa awkward pa rin kame sa isat-isa.

Nagmakaawa ako sa kanya na isama niya ako papuntang Batangas pero hindi niya ako pinayagan. Pinilit ko siya ng pinilit hanggang sa mapapayag ko siya at heto nga. Naghahanda na kame ng pwedeng idonate sa kanila kapag nakapunta kame doon.

"AA kagabi ka pa daw hindi kumakain sabi ni Lance. Kumain kana muna doon at kame na dyan" narinig kong anang Stella.

"Kaya ko na to, ano ka ba. Sige na magbalot kana lang dyan" sagot ko ng hindi lumilingon.

Napansin ko ang pag-upo niya sa tabi ko kasabay ng paghawak sa balikat.

"AA please, kailangan mong kumain. Ano na lang sasabihin ng lola mo kapag nakita kang namumutla hah? Sige na, kumain kana muna tapos bumalik kana lang dito kapag nakakain kana" explain niya pa habang pilit na hinaharap ang mukha ko sa kanya.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa pisngi ko't nagpatuloy sa pagbabalot. Kakaonti na lang naman ito kaya mamaya na ako kakain kapag natapos.

"Ayos lang ako Stella. Umiinom naman ako ng tubig eh, kaya may laman pa rin ang tyan ko kahit papaano. Bumalik kana lang don sa tabi ni Hershey please" sagot ko uli ng hindi siya nililingon.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, pagkatapos noon ay umalis na rin agad siya.

Kanina pa nila ako pinipilit na kumain o magpahinga man lang. Nauna na sa listahan si LA na walang sawa akong binabalikan dito para lang sabihing kailangan kong magpahinga. Sumunod si Billy na ganun rin ang sinabi. Maya-maya ay si Hershey ang lumapit na nasundan ni Ruth at ang huli nga ay si Stella.

May nagsasabi sakin na huwag ko daw silang sundin dahil malapit na rin naman kameng matapos. Atsaka talagang hindi niyo ako mapipilit kapag gusto ko ang ginagawa ko. Wala naman silang magawa kundi ang tigilan ako

Halos limangpung boxes na ang nalalagyan namin. Equivalent of each box is 10 pieces bags of relief goods. Kaya nga ang sarap sa feeling na malapit na kameng matapos.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon