Chpater 58: Consequence

4 1 0
                                    

"Damian, I'm sorry." Sinsero kong sambit habang nagpapatuyo siya ng buhok dito sa may veranda. Nang umayaw siya sa laro, nakiayaw na rin ang lahat pati na rin ako. Nagshower na muna kame bago naisipang magpahinga dahil anong oras na rin naman. Kaso nga lang pagkatapos kong kumain ng dinner ay agad ko siyang pinuntahan sa kanyang kwarto, karoommate niya sila LA at kuya Vaughn kaya naman kinausap ko muna sila na kung pwede wag muna silang pumasok sa kanilang kwarto, mabuti na lang at pumayag.



"Damian..." Sambit ko uli ng hindi siya magsalita. Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga.

"I'm tired, Aerah. Let's just talk tomorrow."

"Promise, hindi ko sinasadya."



"I know, it just that..."

"What?"

"Nothing, basta bukas na lang." Napatungo ako.



"Can I atleast hug you?" I saw him sighed again.

"Bukas, Aerah. Bukas talaga." Masama ang loob kong bumuntong hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Nagalit ba siya sa ginawa ko? O dahil natamaan ko si Lyca? Hindi ko talaga alam, wala akong ideya.

Lumabas ako ng kwarto niyang bagsak ang balikat. Yung dapat karoommate ko si Lyca ay hindi na nangyari dahil nakipag palit sakin si ate Lydia para bantayan ang kapatid. Heto't naging karoommate ko si ate Aebi sa kwarto.

"Wag kana malungkot, A. Alam ko namang hindi mo 'yon sinasadya." Binagsak ko ang katawan ko sa kama pagkapasok.

"Pero kung ako 'yon, mas malakas pa ang ibabalik ko sa kanya lalo na't dikit siya ng dikit sa jowa ng kapatid ko." Napalingon ako kay ate. Napansin niya rin pala 'yon?

"She deserves it sis, pero hindi ko gusto ang pagwalk-out ng jowa mo. Kausapin mo 'yon bago ko 'yon masampal."

"Ate naman..."

"Joke lang pero kausapin mo talaga 'yon, ayoko ng ganoon ang trato sa kapatid ko." Tumango na lang ako bago pinikit ang mga mata.

"Kausapin mo rin si kuya Vaughn, baka sakaling may gusto siyang sabihin sayo." Pagkasabi noon ay dumaretso tulog na ako.













Kinabuksan maaga akong nagising para magprepare ng pagkain. Gusto kong makabawi sa pagkakamaling ginawa ko ngunit pagkababa sa kusina ay agad kong nakita si LA, busy sa pagluluto ng umagahan.



"Aga mong nagising, tulungan na kita."

"Ako na, maupo kana lang dyan. Anong gusto mo? Hot chocolate o juice?" Napaisip ako. Alam kong nasa beach kame pero masarap ang hot choco niya kaya iyon ang pinili ko.

"Okay, let me just boil it." Dahil nakatunganga lang ako rito napagdesisyunan kong tumulong sa paglalagay ng plato at baso sa mesa. Noong una ay nagreklamo siya pero dahil sa kakulitan ko'y hinayaan na lang rin naman niya ako.

"Ako na maghuhugas nito ah. Tapusin mo na lang yang fried rice mo."

"Ang kulit mo talaga."

"Ayoko kase ng walang ginagawa, hayaan mo na, minsan lang naman 'to."

"May magagawa pa ba ako?" Napapabuntong hininga niyang sabi.

Sa ilang oras naming pagstay doon ay hindi nawala ang kwentuhan at tawanan naming dalawa. Nagbabatuhan pa nga kame ng tubig o kung ano man na mahawakan pero natapos rin iyon ng bumababa ng ang aming mga kasama. Nauna na riyan sila mama at papa.

"Wow, this looks delicious." Puri ni papa sa mga nakahain.

"You can build your own hotel, anak." Dagdag ni mama habang inaamoy ang mga pagkain.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon