Chapter 25: Sick

39 9 1
                                    

Kanina pa may kumakatok sa pinto ko pero wala akong boses para makapagsalita, pakiramdam ko natuyuan ako ng laway. Ni hindi nga din ako makagalaw sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon eh. 


Alam kong si LA iyon dahil oras na ng pagpunta namin sa site pero paano ko sasabihin sa kanyang pumasok na siya mag-isa kung miski ungol hindi ko magawa? 



"AA? Gising kana ba? Malelate tayo." patuloy pa rin sa pagkataok na sabi niya.



"Sabihin mo lang kung ayaw momg pumasok, ok lang sakin........AA?" napabuntong hininga na lang ako. Kung pumapasok kana kase!


"Sige na iiwan na kita hah, may pagkain naman sa baba. Kumain ka kapag nagutom ka and lastly wag kana pumunta sa site, magpahinga kana lang" narinig kong sambit niya bago marinig ang paglayo ng yabag ng kanyang mga paa. Wala na siya psshh.


Wala akong choice kundi ang matulog uli.







"Hoy A! Bakit hindi ka lumabas ng kwarto mo? Hindi ka nga din daw kumain------AA?!?" Nagising na lang uli ako sa malakas na pagbukas ng pinto na sinamahan ng sigaw ni LA. Pakiramdam ko ang haba ng tulog ko dahil hindi ko masyadong maimulat ang mga mata ko. Sa kakarampot na pagmulat ay nakita ko si LA na nagmamadaling lumapit sakin.



"Fuck! Anong nangyari sayo? Bakit balot na balot ka?!?" hindi magkandaugaga niyang tanong habang tinitignan ang kabuuan ko pero pagbuntong hininga lang ang nagawa ko bago tumingin sa mga mata niya. Naramdaman ko na lang ang paglagay ng palad niya sa noo ko dahilan ng pagpikit niya ng mariin.



"Bakit hindi mo sinabi saking may lagnat ka!?! Ano?? Papatayin mo sarili mo?!?" nanggigigil talaga niyang sambit, ako naman ay napalunok na lamang. Tinanggal ko ang kumot sa bibig ko, yung makikita niya ng ayos para mabasa niya ang sasabihin ko before I mouthed the words 'I'm sorry' without sound.


Nakita ko ang paghinahon ng mukha niya sabay buntong hininga. 


"Kailangan mong kumain A, anong gusto mo lugaw o sopas?" ibinuka ko uli ang mga bibig ko at sinabing 'lugaw' ng wala pa ring tunog. Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumunta sa pinto pero bago iyon ay nagsalita pa uli siya.



"Ako ang magbabantay sayo, lahat ng utos ko susundin mo." tango na lang naman ang isinagot ko sa kanya bago siya tuluyang lumabas.


Aist! Pakiramdam ko punung-puno na ang napkin ko! Kagabi pa kase yun eh, kase naman! Hindi ako makatayo! Bwisit! Baka natagusan ko na rin itong kama arrgghhhh, bahala na.



Humugot ako ng malalim na hininga bago tumayo ng dahan-dahan, ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko pero hindi ko iyon ininda dahil na rin sa ihing-ihi na ako.  Buong araw akong hindi nakakain o miski pag-inom ng tubig ay hindi rin pakiramdam ko ay dehydrated nako.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon