Chapter 42

11 4 2
                                    

Ilang buwan ang lumipas ng hindi kame nagpapansinan ni LA. Syempre dahil bumalik na kame sa dati ay pareho naming iniwasan ang isat-isa. Yung bahay niya? Patuloy pa rin naman sa pag construct pero nag-uusap lang kame kapag kailangan.

Wala namang nakakapansin na ilag kame sa isat-isa dahil halos kameng dalawa lang rin naman ang magkasama. Pero hindi makakaila na nagdududa na yung trabahador namin saming dalawa. Yung dati kaseng sabay-sabay naming lunch at snack time ay hindi na tulad ngayon. Kung hindi kase sasabay kumain si LA ay sa loob naman siya ng kotse kumakain.


Hindi ako sanay, nakakalungkot lang isipin na nandito nga siya pero parang wala. Walang nakakaalam ng nangyari samin ni LA, miski si Damian at Dale ay hindi rin alam.


Sa ngayon nasa loob ako ng site at nagpapakabusy para hindi matuon ang atensyon ko kay LA. Mabuti na lang umalis siya pagkabukas sa site. Hindi ko alam kung san pumunta, hindi rin naman nagpaalam eh. Pinagtitinginan nga ako ng workers namin ngayon eh, yung tingin na walang binabalak bagkus ay tingin na maraming gustong itanong. Binalewala ko na lang sila dahil hindi naman nakakatulong iyon sa trabaho namin.



"Ay Ma'am pasensiya na po pero may itatanong lang po sana ako" napalingon ako sa pinakamatanda sa lahat ng trabahador namin. Nginitian ko lang siya bago tumango.


"Basta po tungkol sa trabaho o sahod niyo, ayos lang po" hindi nakapag salita si tatang sa sagot ko. Ilang segundo kase ang lumipas ng walang nagtanong sakin. Napangisi ako. Mukhang tungkol kay LA iyon tsk.


Nilingon ko si tatang at nginitian uli.


"Ahmm mamaya niyo na po itanong, lalabas lang po ako" kinakabahang tinanguan niya lang ako kaya naman naglakad na ako palabas.


Nalarinig kase ako ng busina sa labas, baka yun na yong food namin for lunch kaya naman nilabas ko sila.


Nagpaparada palang yung sasakyan ay napangiti na agad ako. Nagmamadali akong lumapit at inabangan ang lalabas doon. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya pero masaya ako ng makita siya hihihi.


"Hi Deym-Deym, didn't expect you here" tama kayo si Damian nga. Pagkalabas niya sa sasakyan ay mabilis niya akong niyakap at kiniss sa noo.


"I miss you Aerah, by the way the delivery truck is at the gate. I should prepare the table" tumango ako ng nakangiti at tinulungan siya. Ang sweet niya diba! Sakin lang yan ganyan tsk HAHAHAHHAHA.










"Sign here Ma'am Torres" ani ng isang staff na mabilis ko namang pinirmahan. Halos lahat ng pagkain ay naibaba na at nasa lamesa na rin, kaya naman pirma na lang ang kailangan ko para macomplete ang order ni LA.


"Thank you" pagkatapos nun ay umalis na sila.


"You seat down Aerah, I'll call them" mukhang nasanay na si Damian sa sitwasyon dito sa site kaya naman pinabayaan ko na siya.


Umupo na nga ako at naglabas ng mga paper plates at cups, nagsandok na rin ako sa sarili ko at kay Damian para hindi na siya makipagsabayan sa iba.











Ngayon ay kumakain na kameng lahat pero nanguguna ang katahimikan, ewan ko. Ganito lagi sila kapag si Damian ang kasama ko hindi kapag si LA. Kame ni Damian ay may sariling mundo, hanggang sa magtanong ako.



"Saan pala nagpunta si LA?" dahil sa tanong na iyon ay pawang nagsipagtigil ang kasama namin. Pati nga ata paghinga nila ay nahinto eh tsk.

"Didn't he say to you? He's gonna fetch Lyca in the airport, I think she's staying here for quiet long" nabigla man ako sa sinabi niya ay napatango-tango na lang ako. Wala rin naman akong magagawa kundi ang pakisamahan ang bratinelang iyon hys.


Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon