Chapter 6:

33 10 7
                                    

Time check, 9:33 na argghhh kakagising ko lang. *yawn Dito na ako pinatulog ni LA kagabi, past 12 na kase ng gabi kame nakauwi. Pumayag na ako dahil baka tulog na din si Dale sa condo, tinext ko na lang siya na dito na ako matutulog kila Ninong Dave.

Bumangon na ako, tsaka naghilamos at nagtoothbrush. Wala akong dalang extrang damit kaya baka sa condo na ako maligo. Bumaba na ako habang sinusuklay ang buhok ko at agad nakita si LA na nakatutok sa loptop niya.

"Goodmorning LA" lumingon lang siya saglit tsaka binalik agad ang tingin sa laptop.

"Morning din A, may breakfast na doon sa kusina. Kumain kana lang" sambit niya na hindi na uli lumingon sakin.

"Hmmm mukhang busy ka ah? Work?" tanong ko habang kumukuha ng pagkain sa kusina.

"Kinda, eatwell hah!" ani niya.
Natapos akong kumuha ng pagkain kaya naman naglakad ako palabas ng sala tsaka tumabi kay LA.

"Oh? Bat dito ka kumakain?" agad niyang tanong pagkaupo ko.

"Ayoko kumain mag-isa eh, kaya dito na lang ako" nag-indian seat pa muna ako sa sofa bago nagsimulang kumain at hindi na uli ako kinibo pa ni LA, hys masyado ata siyang busy.

"After kong magbreakfast uuwi na rin ako" pagbubukas ko ng topic.

"Hmmm ok sige, ipapahatid kita sa driver namin. Hindi kita mahahatid eh sorry" sagot naman niya habang hindi pa rin ako tinitignan psshhhh. Selfish na kung selfish! Hindi kase ako sanay sa LA na kausap ko ngayon hmmmmp! Dati rati siya pa ang gumagawa ng paraan para lang magkatopic kame pero ngayon wahhhhhhhh nagmature na talaga siya huhuhu.

"Wag na, magtaxi na lang ako" sambit ko.

"No, ipapahatid kita wag kanang makulit" Yan! Yan ang LA na kilala ko, kailangan mo siyang sundin sa ayaw at sa gusto mo hihihihi.

"Fine" sagot ko na ikinangiti ko ng konti. HAHAHAHAHAH bakit ba! Eh sa masaya ako eh tsk.

Maya-maya din ay tapos na akong kumain. Naramdaman ko namang may nagtext kaya tinignan ko iyon at nakitang si Dale.

(Nasan kana? Paalis na ako)
Wala akong nagawa kundi ang tumayo tsaka naglakad paakyat ng hagdan.

(Pauwi na) reply ko.

Pagkarating sa kwarto ay nag-ayos na ako ng gamit tsaka bumaba.

"Uwi na ako LA hah, hinahanap na kase ako ni Dale" sambit ko tsaka dumaretso papuntang pinto.

"Ok wait, sabihan ko lang si manong driver" ani niya, tumango lang naman ako tsaka hinintay siya sa labas.

"Manong take her to her condominnium near L.A.W company" paliwanag niya sa driver na agad din namang tumango. Pumasok na si manong sa driver's seat habang nandito pa rin ako sa labas.

"Takecare hah, lakad na" tinapik-tapik niya pa muna ang balikat ko bago ako pagbuksan ng pinto.

"Goodluck sa ginagawa mo, bye" nakangiti kong sambit bago pumasok sa loob. Umandar na nga ang kotse tsaka dahan-dahang umalis, ayannn ganitong tulin lang ang gusto ko hindi yung ragasa tsk.

"Dyan na lang po ako sa stoplight manong" sambit ko, sinilip ako ni manong sa mirror bago nagsalita.

"Eh maam, ihatid ko daw po kayo sa mismong parking lot sabi ni sir Lance"

"Nako! Wag na po, may dadaan din naman po ako dito eh. Sige na po itigil niyo na po dyan" nginitian ko siya ng maganda at pag-iling lang naman ang naisagot niya, so no choice si manong kundi ang tumigil at ibaba ako sa gilid.

"Thank you po, sabihin niyo na lang po na may dadaanan pa ako. Ingat po" sambit ko bago tuluyang isara ang pinto. May dadaanan naman talaga ako eh, kaso mamaya pang 12 iyon kaya naman maglilibot na muna ako sa mall malapit dito. Diba? Ang lakas kong gumala kahit hindi pa naliligo HAHAHAHA, wag niyo akong tularan gawaing pangtamad to HAAHAHA.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon