Chapter 13

32 8 31
                                    

Nagising ako sa kulbit sakin ni Dale, magkasama kase kame sa isang guest room dito sa bahay ni Ninong habang si Lyca ay nasa isa pang guestroom at yung dalawang lalaki ay mukhang tabing natulog. Nag-unat-unat ako bago binuksan ang mga mata at tumingin sa pinsan ko. Kunot-noo ko itong tinigan bago humikab dulo't ng pagkaantok pa.

"Lets go downstairs, its already lunch time A" mahinahong sambit niya bago tumayo sa pagkakaupo sa kama namin. Tinanguan ko lang siya bago umupo sa kama at nag-unat uli.

"Sige na una kana" sagot ko dito bago pumunta sa banyo, naghilamis lang ako at nagsipiliyo bago tuluyang bumaba sa dining area.

"Good afternoon" bati ko sa lahat, nilingon naman nila ako pero kay Ninong lang natuon ang paningin ko.

"Morning po Ninong" bati ko sa kanya na bineso ko pa sa pisngi. Tinap niya lang ang balikat ko bago ngumiti ng maganda.

"Parang hindi kayo nalasing ah, kamusta ang party?" pagbubukas ng topic ni Ninong habang nagkanya-kanya na kame ng paglagay ng pagkain sa pinggan.

"Masaya po as always Ninong" ako ang unang sumagot sa excited ma tono. Sunod si LA na hatalang bangag pa rin.

"Its really fun dad but also tiring" sagot nito sa ama, nilingon ko Damian na napapansin kong nagnanakaw ng tingin sakin pero hindi ko siya inintindi pa ng magsalita uli si Ninong.

"Mabuti naman nagustuhan niyo" yun lang at tahimik na uli kameng kumain. Si Dale ay nagleave muna sa trabaho ng isang araw, perp bukas na bukas din ay papasok na siya habang si Lyca ay uuwi na rin mamaya. Gusto man siyang ipahatid ni Ninong kay LA ay hindi na ito pumayag pa dahil susunduin naman daw siya ng driver niya. Kame ni LA ay tutuoy sa pamimili ng gagamitin sa bahay niya pero hindi namin expect na sasama si Damian.

"You really want to join us?" tanong uli ni LA kay Damian na halata namang siguradong sasama siya.

"Yes, what's wrong with that? Also I have nothing to do today so yeah" dumaretso sala kame pagkatapos kumain, mga nagpapababa ng kinain sa tyan habang naghihintay ng oras kung kailan aalis.

"Wait sama na rin ako, wala naman akong gagawin dito" bigla ay narinig kong singit ni Dale, wala akong nagawa kundi bumuntong na lang bago tumango.

"Osige sumama na kayo" yun lang at pinagtaasan ko lang ng balikat  si LA, sinasabing no choice kame. Hindi ko alam pero nasanay ako dati na kameng dalawa lang ang gunagala ni LA kahit saan basta kasama ang driver nila kaya ganun na lang ang paglaylay ni LA ngayon dahil baka ganun din siya katulad sakin. Mukhang marami na talagang nagbago at magbabago pa, matagal na din kase nung huli kameng nagkita.

Matapos ang ilang oras na pagpapahinga ay dumaretso kame sa Manila, may nag nirecommend kase si Ninong na bilihan ng materials and everything na siguradong pasok sa taste ng anak niya. Kaya heto at nasa kotse na kameng apat, si LA ang nagdadrive habang katabi si Damian sa passenger seat at kameng dalawa ni Dale ang nasa backseat na tahimik na nakatingin sa labas ng bintana.

"After this san tayo pupunta?" pagbabasag ko ng katahimikan. Nakita kong sumulyap sakin si LA sa salamin

"Hmm?" narinig kong huni niya.

"I mean madali lang naman mamili eh, so naisip ko maaga pa para umuwi kaya san tayo pupunta pagkatapos nito?" pagkatapos kong sabihin iyon ay napalingon habang tumatango-tango sina Damian at Dale, mukhang nagustuhan nila ang suggestion ko.

"Kahit saan na lang basta yung masaya" suhestyon ni Dale na hindi na makapaghintay.

"Yeah" lang naman abg narinig kong sagot ni Damian.

"Oh well matagal akong nawala AA, ikaw ang magsuggest ng lugar" napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni LA, hys ayoko nga sa lahat ng pinag-iisp ako eh.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon