Chapter 53

3 2 0
                                    

"Bakit nandito ka na naman A? Wala kang pasok?" bungad ng kaibigan kong si LA pagkapark ko ng kotse.

Pinuntahan ko kase uli siya sa site. Tutal nagdududa talaga ako doon sa business proposal ni Damian. Gusto ko lang tanungin kung talaga bang kasama doon si Lyca o hindi.

"May tatanong lang ako sayo." Nangunot ang noo niya.

"Ano 'yon? Pwede namang sa call na lang."

"Basta. Mamaya na lang." Pumasok ako sa site at agad bumungad sakin ang mga workers na busy sa paggawa.

"Maam! Napapadalas po dalaw natin ah. Miss niyo si sir?" Natawa ako sa sinabi ng isa.

"Kayo yung namimiss ko, hindi yung sir niyo." Inirapan ko si LA na ngayon ay napangisi na lang sa narinig.

"Nako sir. Mahina po pala kayo eh. Tara po dito ma'am, may ipapakita po ako sa inyo." Galak akong tumango sa kanya bago dere-deretsong lumapit.

"Ah eto? Siguro lagyan na lang natin ng pavement molds yung buong bakuran para hindi masyadong matapakan yung bermuda grass." Paliwanag ko sa pinoproblema ng isang workers. Paano kase tinataniman na nila ng bermuda grass yung likod bahay ni LA at pinoproblema nila na baka mamatay lang daw iyon kung sakaling palaging dinadaanan.

Pavement molds yung tawag sa concrete na may hugis. Kadalasang ginagamit 'yon sa gilid ng kalsada o kaya sa mga bakuran para daanan ng tao. May iba-ibang hugis ito, may bilog, may square, may hexagon pero ang gagamitin ko sa bakuran ni LA ay diamond shape. Ipapatong namin yung pavement molds sa ibabaw ng bermuda grass para hindi nila matapakan. Iyon ang magiging proteksyon ng bermuda grass sa pagkakasira at pagkamatay.

"Noted po ma'am. Sige po balik na ako." Tinanguan ko na lang siya kasabay ng paglapit sakin ni LA.

"You want my house to be pretty huh?" Naroon ang kasiguraduhan sa mukha niya. Napangisi ako.

"I don't want it to be pretty...." Nangunot ang noo niya.

"Hindi daw pero-----"

"I want it to be comfortable for you." Doon ko na siya nginitian bago nagsimulang maglibot sa buong site.

Nakarinig pa ako ng matunog na ngisi bago lumayo sa kanya.

"So what's your question, madam?" Tanong niya sa nang-aasar na tono.

Hapon na pero nandito pa rin ako. Wala naman kase talaga akong gagawin, busy si Damian kaya naman hindi ko siya makulit. Si LA sana ang kukulitin ko kaso mukhang ako pa ata ang kinukulit niya ngayon.

"Mamaya na. Pag-uwi natin sa bahay niyo." Sagot ko habang nila lock niya ang pinto ng site.

"Bye ma'am, sir! Ingat ho kayo!" Paalam ng isang worker samin.

"Sir! Ingatan niyo po si ma'am! Baka mauntog at kayo bigla ang magustuhan opssss." Natawa ako sa sinabi ng isa, ayun at nagtatatakbo siya sa tuwa. Si LA naman ay napakamot na lang sa batok.

"Sinabi mo sa kanila?" Pag-iiba ko ng topic. Hindi dapat iyon ang gusto kong itanong pero ok na rin. Mamaya ko na lang itatanong yung tungkol kay Damian.

"Hindi ah. Nasu-sweetan lang sila satin. Huwag mo na lang pansinin." Nagsimula akong maglakad papunta sa sasakyan ko, sinundan niya lang naman ako.

"Paano ko hindi papansinin? Edi nagmukha akong snobber."

"Basta. Hayaan mo na lang."

"Baliw ok lang 'yon. Basta ba hindi nila tayo aasarin sa harap ni Damian, alam mo naman 'yon." Pagpapaalala ko. Baka kakaasar nila samin ay umabot kay Damian at kung ano ang isipin.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon