Chapter 51

15 3 4
                                    

Lumipas ang isang linggo ay hindi ko nakikita si Damian! Ganoon ba iyon ka bigdeal? Tinanggihan ko siya kaya hindi niya ako ngayon pinupuntahan o kinakamusta man lang??


Matapos niya kaseng mag walk-out ay hindi ko na siya nakita pa. Nakiswimming ako sa mga kaibigan ko pero hindi ko pinahalata na may problema ako. Nakita ko rin sila LA at MJ doon pero si Lyca ay talagang hindi ko na uli nakita pa.


Sabi ni LA ay nagpapahinga na raw iyon sa hotel room niya kaya naman hinayaan ko na at nakilangoy na lang sa kanila. Kinabukasan naman ng hapon ay umuwi na rin si MJ, gusto pa ngang mag stay ng isa pang araw pero ako na ang hindi pumayag dahil baka matanggal siya ng wala sa oras sa pagiging boy band niya. OA man pero baka lang naman hehehe.


Syempre pagkatapos ng party ay balik na uli kame sa normal na buhay. Trabaho dito, trabaho doon. At sa paglipas ng araw ay talagang hindi ako kinausap ni Damian. Hindi siya nagtetext, tumatawag o nakikipagkita sakin. Gusto ko mang isiping busy siya ay biglang sisingit yung pinag-awayan namin noong nakaraan.


Matalino akong tao eh. Nakatatak na sa utak ko na after wedding ko iyon gagawin pero dahil sa pinaparamdam sakin ni Damian ay biglang nagbago ang pananaw ko. Hindi pa ako handa para roon pero kung doon siya sasaya ay baka ibigay ko. Sana lang marealize niya muna kung gaano kabigdeal sakin iyon bago ko ibigay at pagsisihan sa huli. Napabuntong hininga ako.


Nandito ako ngayon aa site ni LA. Medyo maluwag ang schedule ko kaya naman dumaan na muna ako rito para tignan ang pagbabago. Napangiti ako ng makitang mukha na itong bahay. Hindi na kalansay tulad noong nakaraan kaso nga lang marami pa ring kulang.


Wala pang bintana, bubong at hindi pa rin makinis ang pader. Lahat ng iyon ay magagawa kapag nalagyan na ng kuryente ang buong bahay.


"Hey why are you here?" narinig kong tanong ni LA. Kakapasok ko lang kase sa site at mukhang wala namang problema.


"Visiting your house my highness. Baka sabihin mo nakalimutan ko na ang bahay mo, ikaw pa naman ang una kong kliyente."


"As if you forgot it. Ayos naman dito, dumadalaw naman minsan si architect so don't worry." Napatango ako.


"Hi ma'am A!" napalingon ako doon sa bumati. Nginitian ko siya at kinawayan lang.


"Good afternoon ma'am!"


"Long time no see po!"


"Hello ma'am!" at nagsunod-sunod na ang bati nila sakin. Tinanguan ko na lang sila isa-isa bago kame lumabas ni LA sa site.


"Naisip mo na ba kung anong kulay ng bahay mo?" tanong ko pagkaupo sa isang bench.


Sa ngayon kase, hindi pa rin siya makapag decide ng kulay. Ayos lang naman iyon dahil hindi pa rin naman gawa ang bahay niya pero as soon as possible sana ay makapagdecide na siya.


"Well ahmmm, I like gray and some navy blue para hindi magmukhang plain." napatango ako. Maganda iyon dahil dark at light colors ang napili niya. Siguro ay lagyan na lang din namin ng white para balance.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon