Chapter 26

37 7 5
                                    

Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko.....ang araw ng Linggo! WAHAHAHAHA, sa wakas! Makakagala na uli ako!


Kaso nawala ang excitement ko ng ayain ko si Dale na gumala, paano ayaw niya akong pagalain! Gusto niya dito lang ako sa condo, gusto niya magpahinga lang ako! Hindi niya ba alam na lalo akong mabibinat kapag hindi niya ako pinagala?! Aist! Bwisit na Dale to.


"Dale tara na!! Kasama naman natin si LA eh! Please na payagan mo na ako!!!" nandito ako ngayon sa sofa ng condo ko, nagmamaktol na parang bata dahil ayaw akong payagan ng pinsan kong gumala.


"Tumigil ka AA, magpahinga ka dyan para bukas pwede kanang magtrabaho uli" napanguso ako sa sinabi niya, dapat pala pinagdasal ko na sana may lakad siya ngayon. Akala ko kase papayagan niya ako tutal kasama naman siya atsaka si LA pssh.


"Please na Dale! Napaka KJ mo kahit kailan! Sumbong kita kila tita eh para iuwi kana sa probinsya!"


"Sige isumbong mo, basta ako nagmamalasakit lang sayo Ameerah! Kapag ikaw ay nabinat ako ang mapapatay ng mga magulang mo, sasabihin nun hindu kita inalagaan!" pasinghal noyang balik sakin, inirapan ko nga.


"Hindi nga ako mabibinat! Bat ba ang kulit mo! Gumala na tayo kahit saglit lang dali na Dale oh" sumamo ko na, minsan lang ako magmakaawa kay Dale kaya naman kapag ganun ay feel na feel ni bruha ang pagiging nanay sakin tsk.


"Manahimik ka, hindi ka gagala!" nasa loob kase siya ng banyo ngayon kaya ganyan na kang siya makasigaw, as usual naglalaba siya ng mga damit niya na isang linggo nang nakatambak.


Sa inis ay padabog akong tumayo sa sofa, kumuha na muna ako ng bote ng tubig bago padabog ding umakyat sa kwarto ko.


"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko pa bago tuluyang pumasok. Sa inis ko nilagok ko ng dere-deretso ang tubig at basta na lang hinagis ang bote noon. Iritbale akong umupo sa kama ko habang dinial ang number ni LA.




Nga pala kahapon pa ako nakauwi dito ng umaga, kung akala niyong si LA ang naghatid sakin pwes nagkakamali kayo dahil tulog pa siya at nagpahatid na ako pauwi sa driver nila. Ayoko na kaseng abalahin siya uli, tama na yung nilaan niyang limang araw niya sakin para alagaan ako. Hindi naman sa wala akong utang na loob, kundi ayoko oang talaga siyang istorbohin sa pagtulog niya para ihatid lang ako.








Ilang oras nga ang dumaan ng tawagan niya ako, natataranta na nga ang boses niya nun dahil hindi daw niya ako mahanap. Inexpain ko naman sa kanya ang dahilan ko at sa huli ay huminahon na siya, sinabi kong kailangan niyang magpahinga and syempre nagpasalamat na rin ako sa pag-aalaga niya sakin.


Bigla ay naalala ko si Damian, miss ko na siya hmmp.


(Oh goodmorning A. Bakit napatawag ka?) bungad niya ng sagutin niya ang tawag, nabalik ako sa reyalidad.


Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon