Gwyneth's POV
Kakarating lang namin sa school ni Kuya pero kinukulit na agad nila si Kurt tungkol sa libre nito ng dinner. Kaya naman si Kurt ay napapagitnaan ni Rai, Al,at Kuya na sabay pa nitong kinukulit ang nasa gitna.
"Ikaw ang nag-aya Kurt eh. Dapat ikaw ang magbabayad." patuloy na pangungulit ni Kuya.
"Ang kapal naman ng apog mo Haines. Kayo nga dyan ang mapera."sagot naman ni Kurt kay Kuya.
" Baka isa-isahin ko kompanya niyo Kurt. " sabi naman ni Al.
Napapailing lang kami ni Aizel sa kakulitan nila. Kesa umakyat sa second floor para pumasok sa classroom namin ay nandito kami sa may garden at kinukulit nila si Kurt.
"Adik talaga sa libre ang Kuya mo."
"Wala namang bago dun Aizel. Makapal ang mukha eh."
Sabay kaming natawa ni Aizel sa sinabi ko. Napatingin tuloy sa amin ang apat.
"Bakit kayo tumatawang dalawa diyan?" tanong sa amin ni Rai.
"You don't need to now." sagot ko sa kaniya.
"Hoy bunso ah. Kami ba ang tinatawanan niyo?" ngayon ay nakapamewang na sa harapan namin ni Aizel sa kuya.
"Hindi ah. Bawal na bang tumawa ngayon? Kapal mo naman kuya."
Narinig namin ang pagtawa ng tatlong bugok sa likod kaya asar na lumapit si Kuya sa kanila at kaniya-kaniya na naman silang takbo dahil babatukan sila nito. Para talagang mga bata.
Ang sarap nila pagkukutusan.
Napatingin ako sa relos ko at nakitang malapit ng magtime. Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko.
"Tara na Aizel. Malapit ng magtime."
Tumango naman siya at kinuha na rin ang gamit. Hindi namin pinansin ang apat na bugok at patuloy lang sa paglalakad papunta sa second floor. Nasa may hagdan na kami noong marinig namin ang sigaw ni Kurt.
"Mga kupal kayo! Nasa taas na 'yung dalawa. Bilisan niyo!"
Parang mga batang nagtatakbo sila para sumunod sa amin. Nasa tapat na kami ng classroom namin noong maabutan kami ng apat.
Pawisang ang ulo at mukha ng apat noong lingunin namin.
"Ano bang itsura niyo yan? Nakakadiri." sabi ni Aizel sa kanila pero nakangiti.
"Grabe ka naman babe." sabi ni Algeom at lumapit kay Aizel.
Ayun at nagkukulitan na ang dalawa habang pinupunasan ni Aizel ng pawis si Algeom.
Akmang maglalakad na papunta sakin si Rai ng hilahin siya ni Kuya at ito ang lumapit sa akin.
"bunso punasan mo rin ako." parang batang sabi ni Kuya sa akin.
Sasagot na sana ako sa kaniya nang hilahin siya ni Kurt at pinunasan nito ang pawis ni Kuya.
"Alam mo kasi tol, hindi naman masamang maging bitter sa magjowa. Pero epal ka kasi eh. Nakita kong may jowa iyang kapatid mo tapos para kang bata na makikiepal dyan. Ako na lang pupunas ng pawis sayo." natatawang sabi ni Kurt.
Nakabusangot na ang mukha ni Kuya habang nakatingin sa amin ni Rai. Natatawa na lang akong pinunasan ang pawis ni Rai.
" Napakadamot talaga ng Kuya mo pagdating sayo. "
" Hindi naman maiiwasan 'yun. Matagal kaming hindi nagkasama ni Kuya."
"But it's okay. Naiintindihan ko naman' yun. Mahal ka ng Kuya mo eh."
"Si Kuya pa ba?"
"Ako rin eh. Sobrang mahal ka." banat niya.
Narinig namin ang pabirong pagtili ni Kurt. Natawa kami sa kaniya at nakita naman namin ang mukha ni Kuya na parang masusuka.
"Hoy ikaw Haihai ha. Hindi porket Kuya ka nito ni loves eh hindi na kita babatukan. Maghanap ka na kasi ng jowa mo ng hindi ka ganyan. Bitter nito." natatawang sabi ni Rai kay Kuya.
"Hindi ko kailangan maghanap Rairai. Meron naman kasi eh. Kaso ako hindi niya alam na bebe ko siya."
Sabay-sabay kaming natawa sa sinabi ni kuya na lalo niyang ikinasimangot. Bakit naman kasi tinamaan ng pagkatorpe ang kapatid ko at hindi magawang umamin sa gusto niya.
" Akalain mong torpe ka pala Kuya? "
" Hoy ikaw Gwy ha. Hindi ako torpe. Sadyang napakatapang ng babaeng iyon kaya pano ko popormahan? Isa pa, ayaw ko namang biglaan iyon."
"Gentleman ka na sa lagay na yan kuya?"
Sasagot na sana si Kuya ng sumingit si Al.
"Gentleman? Utot. It's gentledog." sabi niya na naging dahilan para tumago siya sa likod ng jowa niya dahil babatukan siya ni Kuya.
"Alam niyo? Ang sasama niyong lahat sa akin."
Nagkibit-balikat na lang kami sa kaniya at nagpaalam na para pumasok sa room.
Nang makaupo kami ni Aizel sa pwesto namin ay sakto namang dumating ang teacher namin. Sunod sunod na discussion at quiz ang nangyari sa amin.
" Hayyyy. Nakakapagod. Bakit naman kasi sunod sunod ang quiz ngayon? Pigang-piga ang utak ko." reklamo ni Aizel habang nag-aayos na ng gamit niya.
"Wala naman tayong magagawa. Mabuti pa bilisan mo na at nang makakain na tayo. Kanina pa ako nagugutom."
Noong makalabas kami ay nag-aasaran ang mga lalaki at nakabusangot si Kurtong.
"Anong problema niyan? Bakit ganyan itsura niyan?" tanong ni Aizel habang nakaturo pa kay Kurt.
Walang sumagot sa kaniya at muling nagtawanan ang tatlong lalaki. Nababaliw na ba sila?
"Sagutin niyo ang tanong ko."
Natatawa pa man ay sinagot ni Al ang tanong ng girlfriend niya.
"Paanon hindi sisimangot yan? Mintis ng magzero sa isang quiz. Buti nga nakatwo ka pa pre."
Muli silang naghagalpakan ng tawa dahilan para mapatingin ang ibang estudyante sa amin. Napailing na lang ako dahil lalong sumama ang itsura ni Kurt.
"Alam niyo tangna niyong tatlo. Huwag kayong lalapit sakin ha. Gwy, Aizel tara na. Ililibre ko kayo hayaan niyo yang tatlong bugok na yan." sabi na lang ni Kurt at hinila kami ni Aizel.
Para namang mga tuta na biglang bumait ang tatlo at humabol sa amin.
"Hoy Kurt anduga mo. Kami rin."
Hindi sila pinansin ni Kurt kaya napatakbo kaming tatlo noong tumakbo sila para habulin kami. Naghahabulan kaming anim hanggang sa makarating sa canteen.
Sino nga bang mag-aakala na ganito kami magiging kasolid? Wala na akong balak pang pakawalan ang mga gunggong na 'to. I will keep them until the end.
~~~~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, SHARE AND FOLLOW!
THANK YOU FOR READING! 💕A/N:
Muling nagbabalik ang cute niyong author. Hehez.
Last chapter will be next.
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Roman pour AdolescentsCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...