Gwyneth POV
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok. Nakasuot lang ako ng P.E uniform namin dahil may P.E kami ngayon ng first sub.
Kaunti pa lang ang tao sa classroom namin nang pumasok ako. Tulad ko ay nakaP.E uniform din sila.
Kinuha ko naman ang chocolate na galing kay tukmol kahapon. Syempre kakainin ko to. Bukod sa sayang eh favorite ko to eh. Dairy Milk.
Bubuksan ko na sana ang chocolate nang pumasok si Aizel.
"Uy chocolate. Pahingi."
Binigyan ko naman siya ng apat na square.
"Ito ba yung galing sa bebe mo?"
"Oo galing sa kaniya pero hindi ko siya pato."
"Pato amputa."
Natahimik naman siya ng simulan niyang kainin ang chocolate. Mabuti na lang at ubos na ang chocolate at natapon ko na ang plastic noon nang dumating bigla sa classroom namin ang tukmol. Nakangiti pa ito at lumapit sa akin.
"Good morning loves!"
"Ang aga aga nambubwisit ka."
"Hindi ah. May ibibigay lang ako sayo."
Binuksan naman niya ng bag niya at may kinuha doon. Nagningning naman ang mata ko nang ilabas niya doon ang tatlong malalaking chuckie.
"For you."
Agad kong inabot ang chuckie. Walang pakialam kung ano mang isipin niya. Paborito ko to kaya wala akong pake sa iisipin niya.
"Pahingi nga."
"Ayoko."
Sinamaan ko ng tingin si Aizel nang subukin nitong kunin ang isang chuckie. Tumawa naman siya at tinaas ang dalawang kamay senyales na suko na.
Nakaupo pa rin ang tukmol sa upuan sa may harap namin. Malapit nang tumunog ang bell pero bakit nandito pa ang tukmol na to?
"Bakit nandito ka pa?"
"Ouch. Matapos mong makuha ang chuckie talagang wala lang ako sayo."
"Eh sa paborito ko to eh. Paborito ba kita para kunin din?"
Dumating na si Sir Osca pero hindi pa umaalis ang isang to. Napansin naman siya ni Sir Osca na nakaupo sa klase namin.
"Mr. Romero, bakit nandito ka?"
"Sit in Sir. Wala po akong klase."
"Gusto mo lang namang bantayan at makasulyap kay Ortega."
"Yun din Sir."
Napuno ng panunukso sa amin ang classroom. Walangya talaga tong kumag na to.
"Quiet class! Maglalaro tayo ng basketball ngayon. Alam kong marunong na ang iba sa inyo dahil nakapaglaro na kayo noong second year kayo."
Bigla naman akong naexcite sa sinabi ni Sir Osca. Anak ng tukneneng! Nakakagana ang isang to.
"Sir!" Nagtaas ng kamay ang isang babae at tumayo. Ito yung babaeng nagtanong sa akin kahapon kung boyfriend ko raw ba ang tukmol.
"Yes, Castro?"
"Lugi naman kami Sir. Dapat hindi maglaro si Ortega dahil magaling magbasketball yan."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Castro at gusto ko siyang bigwasan. Kung kelan ginaganahan akong maglaro tsaka naman siya magbibida bida. Kingina talaga tong clown na to.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Genç KurguCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...