Chapter 36

14 1 0
                                    

Gwyneth POV

Matapos ang dramahan namin nila mama sa park ay nagkwentuhan na lang kaming tatlo doon. Umuwi na rin kami noong alas dos na ng hapon. Hindi pa kasi ako tapos mag-ayos ng mga gamit ko at sinabi ko kay Kuya na alas-kwatro ako sunduin sa bahay.

"Nak, huwag kang pasaway sa kuya mo ah?"

"Mama naman. Para nga pong mas batang umasta si Kuya kesa sa akin."

"Ikaw talaga. Alam mo kasi, maaaring ganoon ang pinapakita ng kuya mo sayo, pero may side siya na magseryoso. Makikilala mo rin naman ng husto ang kuya mo, lalo na at magkakasama na kayo sa iisang bahay."

"Paano po kapag napipilitan lang si Kuya na patirahin ako sa bahay?"

Nagseryoso naman ang mukha ni mama nang marinig ang sinabi ko.

"Hindi totoo yan. Halos iyakan ka na ng Kuya mo para umuwi ka sa bahay niyo. Kaya imposibleng napipilitan lang siya."

Napagtanto ko namang may punto si mama. Gustong - gusto na nga ni kuya na umuwi ako kaya bakit ko naisip ang bagay na yun?

"Akyat na po ako. Kaunti na lang naman po ang aayusin ko."

"O sige. Tatawagin na lang kita kapag nandito na ang kuya mo."

"opo."

Umakyat na ako sa kwarto at tinatamad na umupo sa kama. Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Ang dating kwarto na maraming disenyo ay plain ng tingnan ngayon.

Nagsimula na akong mag-ayos ng mga natirang gamit ko. Kakaunti na lang ang mga 'yun kaya alam kong hindi ako matatagalan sa pag-ayos.

Hindi nga ako nagkamali dahil matapos ang kalahating oras ay natapos din akong ayusin ang mga gamit ko. Nag-inat ako at tiningnan sa cellphone ko kung anong oras na. May oras pa naman ako para matulog.

Ibinalik ko sa study table ang cellphone ko bago nahiga. Matutulog muna ako para may energy ako mamaya. Unti-unti ay nagsimulang pumikit ang mga mata ko.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Umikot ako at nakita ang boyfriend kong natutulog at nakayakap sa akin. Para siyang anghel kapag tulog pero kapag gising naman ay parang sinisilihan sa kulit.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinaplos ang mukha niya. Mula sa mga mata niya pababa sa ilong hanggang sa umabot ang daliri ko sa labi niya.

Itinigil ko ang paghaplos sa mukha niya at saka yumakap sa kaniya. Naramdaman ko na lang na may dumamping labi sa noo ko.

"Nagtutulog-tulugan ka lang ba? Hmmm?"

"Hindi, nagising ako noong hinahaplos mo ang mukha ko."

"Gusto mo bang matulog pa?"

"Hindi na. Darating na rin siguro si Haihai."

"Then sleep in our house."

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"What?"

"Sa bahay namin ni Kuya, doon ka matulog ngayong gabi. Please?"

"Sigurado ka ba dyan?"

"Hmm."

"Magpapaalam muna tayo kay Haihai."

"Paano kapag hindi pumayag si Kuya?"

"Eh di sasama lang ako sa paglipat mo tapos uuwi na rin ako."

"Seryoso? Hindi mo man lang pipilitin si Kuya?"

"Loves, nirerespeto ko ang kuya mo. Kaya kung anong desisyon niya ay ayos lang sa akin."

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon