Gwyneth POV
Dahil sa badtrip ako simula kagabi ay maaga akong pumasok ngayon sa school at naglaro ng basketball mag-isa. Siguro naman ay mababawasan ang pagkabadtrip ko sa tukmol na yun kapag nalunod ko ang atensyon ko sa paglalaro.
Habang naglalaro ako ay may narinig akong yabag. Napatigil naman ako at napatingin sa pinanggagalingan ng yabag na yun. Isang lalaki ang nakita ko at nakasuot ito ng uniform.
"A girl playing basketball, nice."
Tinaasan ko naman siya ng kilay sa sinabi niya.
"Lalaki lang ba ang pwedeng maglaro nito? Tss."
"Sungit."
Nawala nga sa isip ko ang pambubwisit ng tukmol kahapon pero napaltan naman ito ng pambubwisit ng lalaking to sa harap ko. Walangya. Ang aga aga nadagdagan ang pagkabadtrip ko.
Binalik ko na sa lalagyan ang bola at kinuha ang bag ko sa bleachers. Isinukbit ko ito sa balikat ko bago naglakad palabas ng gym na hindi pinapansin ang pagtawag ng estrangherong lalaki sa loob.
Dumiretso ako sa may locker area para kumuha ng pampalit na damit. Nang buksan ko ito ay may bumungad sa aking isang bulaklak. Walangya. Ang aga aga jusq.
Hindi ko na pinansin pa ang bulaklak at kinuha na lang ang pampalit na damit. Pumasok ako sa ladies comfort room at nagpalit ng damit. Nakakahiya naman kung papasok ako sa classroom namin na amoy pawis. Lunes na lunes eh papasok akong amoy pawis.ew.
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at binuksan ulit ang locker ko. Nakita ko na naman ang bulaklak doon. Kinunan ko ito ng litrato para ipakita kay Aizel mamaya. May note na namang kasama yun.
Ca-B H-Al-P
Ano naman to? Kingina talaga. Magbibigay na lang ng note kailangan ko pang hulaan buset na yan.
Binalik ko ang note sa loob ng locker bago nilock ito at naglakad na papunta sa classroom namin. Nang malapit na ako sa may classroom namin ay nakita ko ang lalaki kanina sa gym na nakasandal sa labas ng classroom namin.
Hindi ko na lang pinansin pa at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi ko siya tinapunan ng tingin noong papasok na ako sa classroom namin.
"Wait!"
Hindi ko naman alam kung sinong tinatawag nun kaya hindi ko pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon kung sino yun.
"Oh?"
"I was calling you but you don't look back."
"Ano bang kailangan mo? Andami mong sinasabi."
Nilabas naman niya ang panyong hawak niya at inabot sa akin. Yun ang panyo ko na regalo sa akin ni mama.
"Here. It's yours I think. Your the only people in the gym when I came there so I guess it's yours."
Kinuha ko naman yun sa kaniya.
"Salamat."
Matapos kong magpasalamat sa kaniya ay tumalikod na ako at naglakad papunta sa upuan ko.
"Ang sungit talaga." Rinig kong bulong nung lalaki.
Nang makaupo ako sa upuan ko ay nagulat naman ako dahil pagtingin ko sa unahan ay nakaupo na ang lalaki sa upuang nasa unahan ko.
"Bakit nandito ka pa?"
"I'm Haines Castriel Anderson."
Pakilala naman niya pero tiningnan ko lang siya ng walang emosyon at nagsalita.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Fiksi RemajaCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...