Gwyneth POV
Matapos ang nangyari sa classroom ay dumiretso na kaming lima sa canteen. At kanina pa nila inaasar ang tukmol.
"Naks Rairai dream come true." Pang-aasar ni Haines.
"Tumigil ka dyan Haihai. Kanina ka pa."
"Aba, kinocongratulate ka lang namin tol ikaw pa ang galit."
"Kinocongratulate o inaasar? Kanina pa kayong dalawa."
"Kase naman Rairai. Pinayagan ka lang nakayakap ka agad."
"Pake mo ba? Wala kasing gusto sayo yung babae mo."
"Hoy! Below the belt yun."
"Eh di ikaw ang naasar ngayon."
Napailing na lang ako sa kaingayan nila. Pinagtitinginan na kami sa hallway papunta sa canteen dahil sa kanila. At siguro dahil din sa bag ko na dala ni Railey.
Mapilit kasi eh. Kaya ko namang dalhin yun. Nakipag-agawan pa sakin.
"Buti naman nakapagdesisyon ka agad."
Napatingin ako kay Aizel na nasa tabi kong naglalakad.
"Hmm. Salamat sa sampal mo." Sarcastic na sabi ko sa kaniya.
Nginisihan niya lang ako at sakto namang nakarating kami sa canteen. Naupo agad kami ni Aizel.
Yung tatlong tukmol naman ay dumiretso sa counter. Aba, hindi pa kami tinanong kung anong gusto namin.
"Sobrang saya ni Railey."
"Hmm. Halata naman. Parang ayaw niyang bitawan ang bag ko."
Natawa siya sa sinabi ko at tiningnan ang tatlong tukmol na nagkukulitan pa rin sa counter. Mga gunggong talaga.
"Mukhang lumalambot na ang bato mong puso."
"Tsk. Masyado kasing makulit ang isang yun. Ayaw tigilan kaya lumambot."
"Masaya ako para sayo. Na pinagbigyan mo ang sarili mo."
"Hmm."
Napatigil kami sa pag-uusap ng dumating ang mga tukmol.
"Dapat nanlilibre ka ngayon Railey eh."
"Kapal ng mukha mo Algeom ah."
"Oh bakit? Bestfriend mo naman ako ah."
"Ako ang ililibre ni Rairai."
Napatingin naman yung dalawa kay Haines.
"At bakit naman ikaw ang ililibre ni Railey aber?"
"Kasi bestfriend ako ni Gwyneth."
Napatigil naman sa pagkain si Aizel at masamang tiningnan si Haines.
"Hoy Haines!anong ikaw ang bestfriend ni Gwyneth? Gusto mo bang masapak kita ha?"
"Boybestfriend bakit?"
"Wala! Ako lang ang bestfriend niyan. Kaltukan kita dyan eh."
"Tingnan mo yang girlfriend mo Algeom napaka."
"Anong napaka ha?"
"Napakaselfish."
"Gago ka talaga Haines."
Akmang sasabunutan ni Aizel ang mahabang buhok ni Haines nang mapigilan siya ng boyfriend niya. Kumain na lang ako at hindi sila pinansin. Bahala sila dyan.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Roman pour AdolescentsCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...