Gwyneth POV
Simula ngayong araw ay walang klase. Pero nasa school pa rin kami. Bawal daw umabsent dahil may nag-aattendace pa rin kada klase. Kaya naman ito ako ngayon sa classroom namin at nagbabasa lang ng libro. Si Aizel naman ay nasa unahan at nag-aattendance. Nang makabalik sa tabi ko ang bruha ay nagsimula na siyang guluhin ako.
"Bruha,labas na kasi tayo. Tapos na ako mag-attendance oh. Lakad-lakad tayo sa labas. Dali na kasi. Nakakabored dito." Pangungulit niya habang niyuyugyog ang balikat ko.
Isinara ko naman ang librong binabasa ko at nilagay sa bag ko. Tumayo ako at isinukbit ang bag ko. Tiningnan ko naman si Aizel na nakaupo pa rin.
"Ano? Akala ko ba lalabas? Tapos nakatanga ka pa rin diyan."
Agad naman siyang tumayo at isinukbit din ang bag niya. Kumapit siya sa braso ko at hinila ako palabas.
"Bibili muna tayo ng coke sa canteen,okay?"
"Hmm."
Hinila niya ako papunta sa canteen. Naupo ako sa malapit sa may pinto at siya na ang pinabili ko. Tutal siya rin naman ang nag-aya sa akin. Nang makabili siya ay inabot niya yun sa akin at hinila na naman ako papunta sa kung saan.
Nang makarating sa garden ay pinaupo niya ako sa isang bench doon.
"Ano namang gagawin natin dito?"
"Tatambay"
"Bakit daw ba walang klase ngayon at bukas?"
"Gaga ka ba? Hindi ka nakikinig no? Rest day daw eh. Ngayon ay chill lang dito sa school. Tapos bukas ay may party."
"Party?"
"Oo. Para sa mga estudyante. Wala namang sinabing dress code."
"Tss"
"Pumunta ka,okay? Kapag hindi ka pumunta,bubulabugin kita sa bahay niyo."
"Hmm."
Nandoon lang kami sa garden, nag-uusap ng kung ano-ano noong marinig namin ang isang announcement.
"Good morning students! This is Algeom Astronomo. Naatasan ako sa araw na ito upang magbigay-saya at kilig sa inyo sa pamamagitan ng mga kanta. Maaari kayong magrequest ng kanta. For short, this is a song dedication. Pwede ring kayo mismo ang pumunta at mag-alay ng kanta para sa special someone niyo. Have a good day everyone! Thank you."
"Kaya pala sabi niya ay may gagawin siya."
Muli naming narinig ang boses ni Al mula sa speaker.
"Good morning again! I want to dedicate this song for my beloved Aizel Bautista. Te Amo,honey"
Para namang kiti-kiti ang kasama ko nang marinig iyon. Kulang na lang ay hampasin niya ako sa sobrang kilig.
Napansin kong napapatingin sa gawi namin ang ibang estudyante dahil sa sinabing yun ni Al. Pano ba namang hindi? Madaming speaker ang nakakabit dito sa school kaya sigurado akong maririnig yun ng lahat.
Parang mahihimatay na sa kilig si Aizel nang magsimulang kumanta si Al. Alam kong si Al yun dahil halata naman. Basta yun na yun.
"🎶 When your legs don't work like they used to before ..And I can't sweep you off of your feet..Will your mouth still remember the taste of my love..Will your eyes still smile from your cheeks🎶"
Maganda ang boses ni Al. Kaya naman ang bruhang kasama ko ay kinikilig masyado.
"🎶And darling I will be loving you 'til we're 70..And baby my heart could still fall as hard at 23..And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways Maybe just the touch of a hand..Oh me I fall in love with you every single day..And I just wanna tell you I am🎶"

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Fiksi RemajaCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...