Chapter 34

11 1 0
                                    

Gwyneth POV

Dala ang apat na box ay naglalakad ako papunta sa classroom namin. Gusto niyo ba malaman kung anong laman ng box? Huwag na! Charot.

Ito yung ginawa kong biscuits kahapon na may mga mukha nila.

"Amazonaaaaa!"

Napangiwi naman ako noong marinig ko ang sigaw ni Algeom habang nakaturo pa sa akin. Tinatawanan siya nila Kurt at Kuya.

"Ano yan,Amazona? Para sa amin ba yan?"

"Hindi"

"Eh ano pala? Iniinggit mo lang kami ganun?"

Natawa naman ako sa inasal niya. Parang bata.

"Bakit hindi mo kasama si Rairai?"

Napalingon naman ako kay Kuya na seryosong nakatingin sa akin.

"Sinabi ko sa kaniyang huwag na akong sunduin sa bahay."

"Bakit parang ang cold mo naman sa kapatid mo, Haines?" Tanong ni Aizel kay Kuya.

Oo nga pala, alam na nila na magkapatid kami ni Haines.

"Hindi naman."

Hindi raw. Eh hindi naman ganyan ang treatment niya sa akin. Dahil na naman ba 'to sa paglipat ko sa totoong bahay namin?

"Hayaan niyo na. Eto oh. Para sa inyo."

Inabot ko naman sa kanila isa-isa ang mga box.

"Gwy biscuit ba 'to?" Tanong sa akin ni Kurtong.

"Oo."

"Woah. Tagal ko nang hindi natikman 'to ah."

"Pano mo titikman yan nung mga nakaraang taon kung wala ka naman dito? Psh."

Natigil kami noong nagsisigaw si Algeom.

"Woaah! Astig! Astig! Ang galing!"

"Para kang tanga Al."

"Grabe ka sakin Kurt. Ang galing kasi. Amazona, paano mo nagaya ang mukha ko?"

"Madali lang namang gayahin ang mukha mo. Kailangan ko lang gayahin ang itsura ng aso."

Nagtawanan ang mga kasama namin dahil sa pambabara ko sa kaniya.

"Ansaya niyo ah."

Naramdaman ko ang isang kamay na umakbay sa akin. Hindi ko na tinanggal dahil alam kong si Rai ang may-ari noon. Naamoy ko na ang pabango niya kaya alam kong siya yun.

"Rai, tingnan mo. Ginaya ni Amazona yung mukha ko. Inggit ka 'no?"

"Gunggong! Bakit naman ako maiinggit sayo? Ako nga unang nakakita niyan."

"Lah? Akala ko ba hindi mo sinundo si Amazona?"

"Hindi nga. Kagabi niya yan ginawa. Pumunta ako sa kanila nung out ko na sa cafe."

"Anduga naman."

"Oh bakit umaangal ka? Girlfriend ko naman si loves ah."

"Eh di ikaw na!"

"Ako na talaga."

"Ikaw na mukhang aso."

"Gago."

Ayun at naghabulan na ang dalawa. Sinulyapan ko sa pwesto niya si Kuya na tahimik lang at nakatingin sa mga biscuit niya.

"Kuya"

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon