Railey's POV
Masakit para sa akin na iiwasan ako ni loves matapos ang dalawang araw na yun. Pero hindi yun naging hadlang para itigil ko ang nararamdaman ko at sumuko.
Nasimulan ko na eh. Halos isang taon na akong ganito sa kaniya. Ngayon pa ba ako titigil? Definitely no.
Napabuntong hininga na lang ako matapos icheck ang bank account ko. Ampucha. Biruin mong kaunti na lang yung ipon ko. Jusq.
Pero ayos lang. Sa effort ko naman para kay loves napunta. Isa pa, nagsimula rin naman akong mag-ipon noong makilala ko siya. Noong nagbalak akong ligawan siya.
Everythings worth it when it comes to her. I'm happy that I maked her happy even just for two days.
Tumayo na ako at dumiretso sa Cr para maligo. Alas otso na. Kailangan ko ng mag-ayos.
Suot ang isang pantalon at shirt ay humarap ako sa salamin. Sinuklay ko ang buhok ko pataas. Naglagay ng pulbo at nagspray ng pabango. Kinuha ko ang bag na nasa kama at isinukbit sa likod ko.
Nandoon ang damit na pamalit, bimpo, wallet at cellphone ko. Ngumiti ako sa repleksyon ko sa salamin bago naglakad pababa sa sala. Nandoon si Mama.
"Aalis ka na ba?"
"Opo."
"Mabuti na lang at kumain ka ng agahan. Sige na. Baka malate ka pa."
"Salamat po mama dahil pumayag kayo."
"Basta ikaw nak. Isa pa, kagustuhan mo naman yan. Ayaw kitang pigilan."
"Sige po. Aalis na ako."
"Ingat."
Naglakad lang ako hanggang sa sakayan ng jeep. Isang sakay lang ng jeep at nakarating na ako sa cafe na pagtatrabahuhan ko. Yes, part time.
Sarado pa yun at alas nwebe pa magbubukas. Malapit ng mag-alas nwebe kaya naman dumiretso na ako sa employees room para magpalit ng uniform.
Waiter ang trabaho ko dito. Sa totoo lang, dito din ako nagpart time noong mga panahong nag-iipon ako. Umalis lang ako noong marami na akong naipon na sa tingin ko ay sapat na.
Pero ito ako ngayon at bumalik dito. Mabuti at tinanggap pa rin ako. Matagal na rin naman daw kasi akong nagtatrabaho dito kaya ayos lang.
Kailangan kong makaipon. Kung kinakailangang paabutin ko sa half million ang ipon ko gagawin ko.
Matapos magpalit ng uniform ay nakita ko ang mga kasamahan kong trabahador din.
"Uy Railey. Bumalik ka pala dito."
"Opo Kuya Steve. Kailangan makapag-ipon ulit eh."
"Ayos yan ah. Alam kong malaki ang maiipon mo. Masipag ka kaya. Kaya nga tuwang tuwa sayo si Madam kahit na estudyante ka ay nasasabay mo ang pagpart time dito."
"Kakayanin Kuya Steve. Para sa future."
"O siya. Doon na tayo at magbubukas na."
Maghapong trabaho na naman 'to. Kaya ko 'to. Nagawa ko na ito dati kaya magagawa ko rin ngayon.
Naglakad na ako papunta sa may tables ay ngumiti noong may pumasok na mga costumer.
Haines POV
Alas otso noong magising ako. Mabuti na lang at wala kaming practice ngayon ng basketball. Rest day. Hooray!
Naalala ko ang tawag ni Aizel sa akin kahapon. Kaya naman tumayo na ako at naghilamos.
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Fiksi RemajaCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...