Chapter 27

13 1 0
                                        

Gwyneth POV

Nag-aayos ako nang sarili noong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Nak."

Pumasok si mama sa kwarto pero ipinagpatuloy ko ang pag-aayos.

"Nasa baba si Railey."

"Opo."

Sakto namang natapos na akong mag-ayos at inabot na ang bag ko.

"Nak, nagtataka ako. Bakit nasa baba si Railey at hindi mo pinapaalis?"

"Ma. Pinayagan ko na po."

"Talaga nak?"

"Hmm."

"Masaya ako para sayo anak. Mabuti naman at pinagbigyan mo na ang sarili mo."

"Ma, pareho lang po kayo ng sinabi ni Aizel."

"Bumaba ka na. Naghihintay na ang prince charming mo."

"Mama naman."

Natatawang bumaba siya. Inabot ko na ang bag ko at sinukbit sa balikat ko.

Habang naglalakad pababa sa hagdan ay nakita ko sila mama at Railey na nag-uusap.

"Oh andyan na pala si Gwyneth."

"Good morning loves."

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil nandito si mama. Bakit ba kailangan pa akong tawagin na loves sa harap ni mama?

Here I am thinking that my mother will be shocked but no, she's laughing right now because of that damn endearment of Railey.

"Morning."

"Umalis na nga kayong dalawa. Baka malate pa kayo. Ingatan mo yan si Gwyneth,Railey."

"Sila po ang mag-ingat kay loves."

At tuluyang tumawa na si mama. Parang wala lang ako dito ah.

"Tara na."

"Alis na po kami tita."

"Hmm. Ingat kayo."

Hinampas ko sa balikat si Railey noong nakalabas na kami ng bahay.

"Aray ko naman loves."

"Hindi ka man lang nahiya kay mama."

"Oh bakit? Hindi ko kinakahiya yun. Tsk."

"Arte nito."

"Tara na nga."

Nakita ko naman ang isang bike sa tabi ng bike ko.

"Sayo yan?"

"Hmm."

"Bumili ka ba ng bike?"

"Hindi. Dati na yan. Nakastock lang. Inayos ko lang kahapon."

"Seriously? Tapos nagpapakahirap ka sa pagsunod sakin ng palakad?"

"Ano ba gusto mo loves? Pagapang?"

"Ewan ko sayo."

Nauna na akong sumakay ng bike at nagpidal. Nauuna ako sa kaniya. At ang tukmol binilisan ang pagpidal para makapantay sa akin.

"Nagmamadali ka naman masyado loves."

"Baka kasi ano pang kabaliwan ang sabihin o gawin mo."

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon