Gwyneth POV
Maaga akong nagising dahil Linggo ngayon. Charot! Maaga lang talaga akong nagising kasi special ang araw na 'to.
Magsisimba kami nila mama at papa. Maggagala rin kami ngayon at magsasaya buong araw dahil mamayang gabi ay lilipat na ako sa totoong bahay namin kasama si Kuya Haines.
Dumiretso na ako sa cr para maligo.
Matapos maligo ay nagsuot lang ako ng maong ripped jeans at blue na shirt. Tinak-in ko iyon at naglagay ng black belt, tinernuhan ko iyon ng black rubber shoes.
Nagsuklay lang ako ng buhok at naglagay ng pulbo at kaunting liptint. Muli kong sinulyapan ang repleksyon ko sa salamin bago umalis.
Dala ko ang cellphone ko at isang panyo. Naabutan ko sila Mama at Papa sa sala na nakahanda na para umalis.
"Tara na po, Mama, Papa." Aya ko sa kanila.
"Tara na. At baka malate pa tayo sa misa."
Ako na ang naglock ng bahay namin. Sumunod ako sa kanila sa labas. Mayroon na doong tricycle na naghihintay.
Sinarhan ko lang din ang gate at sumakay na sa backride.
Noong makarating kami sa simbahan ay nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan.
At hindi nga ako nagkamali noong makalapit kami sa taong iyon. None other than, my boyfriend.
"Good morning po Tita, Tito." Bati niya kila mama.
"Good morning din sayo Railey."
"Good morning loves."
"Hmm. Morning."
Pumasok na kami sa loob ng simbahan dahil magsisimula na rin.
Buong misa ay napapansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Railey kahit na magkatabi lang kaming dalawa.
Noong matapos ang misa ay sabay-sabay kaming lumabas sa simbahan.
"Gusto mo bang sumama sa amin Railey?" Tanong ni mama kay Rai.
Hinihintay ko naman siyang sumagot sa tanong ni mama sa kaniya. Sinulyapan niya ako bago ngumiti kay Mama.
"Huwag na po Tita. Mag-enjoy na lang po kayo kasama si loves. Isa pa, araw niyo po itong pamilya. Papasok pa po ako sa cafe kaya hindi rin ako makakasama."
Itong lalaking 'to paimpress masyado kila mama. Nakakainis.
Nakakainis kasi pafall amp. Pasapok nga Rai.
"Sige po, Tita, Tito, mauna na po ako sa inyo."
"O sige. Mag-iingat ka."
"Opo. Kayo rin po."
Ibaling niya sa akin ang atensiyon niya bago ngumiti.
"Mag-enjoy ka,okay? Dapat masaya ka ngayong araw. Pupuntahan kita mamaya bago ka lumipat sa bahay ni Haihai. Sasamahan kitang lumipat. Pero sa ngayon, mag-enjoy ka kasama sila Tito at Tita. See you later,loves. I love you. Take care."
"Hmm. Hintayin kita mamaya,see you later. Ingat ka."
Ginulo niya pa ang buhok ko bago muling nagpaalam kila mama at sumakay sa tricycle pagkatapos. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
"Tara na,nak? Magpipiknik tayo ngayon."
Nginitian ko naman si mama at tumango. Siguro nga ay oras na para harapin ko ang katotohanang hindi sila ang tunay kong mga magulang. At naghihintay sa akin ang totoong kapatid ko.
Nagtatawanan kaming tatlo habang naglalakad paalis sa simbahan para sumakay ng tricycle. Nagpahatid lang kami sa malapit na park.
"Papa,saan po tayo kukuha ng pagkain natin? Nakalimutan nating magdala."
Tinawanan naman nila ako ni mama bago bumaba sa tricycle. Si mama ang nagbayad kay manong at tumabi sa amin ni papa.
"Nak,mayroon na tayong pagkain. Ang totoo niyan ay nakaset-up na ang gagamitin natin dito. Tayo na lang ang kulang."
"Talaga po? Sino naman po ang nag-ayos ng mga kailangan natin?"
Inginuso naman ni mama ang isang direksyon kaya sinundan ko iyon ng tingin. Nakita ko si Kuya Haines na nakatayo at kumakaway sa amin.
Naglakad naman kami palapit sa kaniya. Nagmano siya kila mama at papa noong marating namin ang harap niya.
"Ayos na po dito ang lahat tito,tita. Enjoy po kayo."
Akmang aalis na si kuya noong hinawakan ko ang pulsuhan niya.
"Hindi ka ba sasama sa amin Kuya?"
Tumingin siya sa mga mata ko at nakita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.
"Hindi na. May gagawin pa ako eh. Mag-enjoy na lang kayo dito."
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa pulsuhan niya at tuluyan akong tinalikuran. Ano bang nangyayari kay Kuya?
Hindi ba siya masaya na lilipat na ako mamaya sa bahay namin? Ang labo naman niya.
Hindi na lang ako masyadong nag-isip pa at nakisali na lang kila mama at papa. Ayoko munang mag-isip ng kung ano-ano. Kailangan kong mag-enjoy ngayong araw.
Kumain muna kami nila mama bago nagsimulang magkwentuhan sa ilalim ng puno.
"Nak, ipangako mo sa amin na pakikisamahan mo nang maayos ang kuya mo. Huwag ka sanang mailang sa kaniya o magtampo."
"Hindi naman po,mama. Wala naman akong dapat na ikatampo sa kaniya. Ginawa naman niya ang lahat para mahanap ako. Isa pa, kapatid ko pa rin po siya."
"Masaya ako at napalaki ka namin ng maayos. Kahit na, hindi kami ang tunay mong mga magulang."
"Papa naman, huwag na po tayong magdramahan."
"Hindi,anak. Gusto naming humingi ng tawad ng mama mo sa'yo. Ipinagkait namin ang karapatan mong makasama ang tunay mong mga magulang. Inagaw ka namin sa kanila. Hindi mo sila nakilala o nakasama man lang dahil sa amin. Kaya naman, gusto naming maging maayos ang samahan niyo ng kuya mo."
Nanubig ang mga mata ko dahil sa sinabi ni papa.
"Papa, hindi niyo naman po yun kasalanan. Isa pa, malaki rin ang utang na loob ko sa inyo at ng pamilya ko. Kung hindi niyo po ako kinuha noon at iniligtas, pwedeng wala na ako sa mundong 'to. Malaki ang naitulong nang pagligtas niyo sa akin."
"Nak,mahal na mahal ka namin ng papa mo kahit na hindi ka namin tunay na anak. Lagi mong tatandaan na, ikaw ang nag-iisang anak namin ng papa mo."
Tuluyang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga sinabi ni mama. Ayoko mang umiyak ngayong araw ay hindi ko mapigilan dahil sa mga binibitawang salita nila mama.
"Mahal na mahal ko rin po kayo, mama, papa."
Niyakap ko naman sila pareho at pare-pareho kaming tatlo na umiiyak dahil sa kadramahan namin. Masaya ako na maayos pa rin ang relasyon ko sa kanila kahit na aalis na ako at lilipat ng bahay.
Ano kayang sunod na mangyayari kapag umalis na ako sa bahay namin at lumipat sa bahay ni Kuya? Kayanin ko bang hindi mailang kay Kuya?
Oras na para ako naman ang bumawi para kay Kuya Haines. Sa kabila ng paghahanap niya sa akin ng matagal, ako naman ang maghahanap ng paraan para mapalapit ako sa kaniya tulad ng isang pamilya.
What would happen next? I really don't know.
~~~~~~~~~~~~~~♡
YOUR VOTES,COMMENTS AND FOLLOW ARE HIGHLY APPRECIATED! THANK YOU!❤
A/N:
Tadaaaaaa! Lilipat na si Madam Gwy. Ano naman kaya ang sunod na mangyayari kapag lumipat na siya? Any guess?
Sa tingin niyo, magiging madali kaya na mapalapit ang magkapatid sa isa't isa?

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...