Chapter 22

10 2 0
                                        

Gwyneth POV

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakaupo sa kama. Tumayo na ako at dumiretso sa Cr para maghilamos.

Matapos kong maghilamos ay nagsuklay ako ng buhok bago bumaba sa sala. Naabutan ko si Mama na naggugupit ng mga plastic para gawing unan.

"Oh nak. Kumain ka na ng agahan dyan. Hindi ka na namin ginising kanina kasi alam kong puyat ka."

"Pumasok po ba sa trabaho si Papa?"

"Oo nak. Nga pala,may regalo sayo ang papa mo. Mamaya ko ipapakita sayo. Kumain ka muna ng agahan."

Dumiretso na ako sa kusina para kumain. Nacucurious naman ako kung anong regalo ang sinasabi ni mama. Libro ba? Pero imposible. Kung libro yun ay binigay na agad sa akin ni mama.

Matapos kong kumain ng agahan ay hinugasan ko na rin ang ginamit kong plato. Naglakad na ako pabalik sa sala.

"Mama,nasaan po yung isang gunting? Tulungan ko na kayo sa paggupit."

"Huwag na nak. May gagawin ka pa ata."

"Wala po."

Tinuro niya naman ang drawer sa gilid. Nilapitan ko yun at binuksan. Nakita ko ang gunting at kinuha yun. Kumuha na rin ako ng lalagyan at naggupit.

"Mama,ano po ang sinasabi niyong regalo ni papa?"

"Ay oo nga pala. Iwan mo muna yang ginugupit mo dyan at lumabas tayo."

Nalilitong sinunod ko naman si mama at naglakad na rin palabas ng bahay. Dinala niya ako sa gilid ng bahay.

"Ayan."

Nanlaki ang mata ko noong makita ko ang isang bike na kulay itim. Yung pambabaeng bike.

"Mama."

"Ayaw ng papa mo na nahihirapan ka sa paglalakad kapag papasok. Kaya naman binilhan ka niya ng bike. Kahit naman daw malapit lang ang school niya ay nakakapagod pa rin maglakad. Kaya ayan."

"Thank you mama."

"Sa papa mo ikaw magpasalamat."

"Ang ganda."

"Ikaw talaga."

"Mamaya ko na po yun itetest. Pasok na po ulit tayo sa loob. Marami-rami pa po tayong gugupitin."

Tinawanan lang ako ni Mama bago naglakad papasok sa bahay.

Ipinagpatuloy namin ang paggupit. Napatigil ako noong tumunog ang cellphone ko na nasa mesa.

Kinuha ko naman yun at sinagot ang tawag ni Aizel.

"Hello?"

"Wasup sungit."

"Bakit?"

"Punta ka dito mamaya."

"May ginagawa ako."

"Naggugupit ka no? Kaya nga pumunta ka dito. Madami ditong gupitin na plastic. Nilinisan ko na."

"Talaga?"

"Oo. Kunin mo dito mamaya."

"Oo sige. Itetext kita kapag papunta na ako mamaya."

"Sige. Bye."

"Bye."

Nilapag ko na ulit ang cellphone ko sa mesa at ipinagpatuloy ang paggupit.

"Sino yun nak?"

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon