Gwyneth POV
Sa dalawang araw na lumipas ay puro pambubwisit lang ang ginawa ng tukmol na yun sakin sa school. Inaasar nga ako lagi ng mga kaklase ko sa tuwing makikita nilang may dala akong flowers o chocolate na alam nilang galing sa tukmol.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko ba tinatanggap ang mga bagay na galing sa tukmol na yun. Kaya siguro hindi na ito tumitigil sa pagbibigay ng kung ano-ano dahil tinatanggap ko ang mga binibigay niya.
Dahil Sabado ngayon ay schedule ko para maglinis ng bahay. Maaga akong gumising para magdilig ng mga halaman. Ako nga sana ang maglalaba ng mga damit namin pero hindi pumayag si mama.
Siya na raw bahala sa labahin. Nagsuot lang ako ng loose shirt at cotton shirt. Ginawa kong ponytail ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. Nagsimula akong maglinis sa may kwarto nila mama.
Nagwalis lang ako doon at nagpunas ng mga mesa doon. Pinaltan ko na rin ang mga kurtina sa kwarto nila. Matapos kung linisin ang kwarto nila mama ay sinunod ko naman ang kwarto ko.
Nilagay ko sa isang garbage bag ang mga papel na hindi ko ginagamit. Nagpalit din ako ng kurtina. Inayos ko ang higaan pati na ang study table ko.
Nang matapos kong linisin ang kwarto ko ay sunod akong naglinis sa baba. Parang ako nga lang ang tao dito dahil nasa likod bahay naman si Mama, naglalaba. Hindi naman mahihirapang masyado sa paglalaba si Mama dahil may washing machine naman.
Alas onse ng tanghali noong natapos ako sa paglilinis. Dinala ko sa labas ng gate ang mga basura at nilagay sa may tabi dahil kukunin naman yun ng basurero.
Bumalik ako ulit sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. Nagsaing lang ako sa rice cooker bago naglakad papunta sa likod-bahay.
Nakita ko si Mama na hinihintay matapos ang nasa washing.
"Ma."
"Oh nak. Tapos ka na bang maglinis?"
"Opo. Anong gusto niyong ulam?"
"Ako na ang magluluto. Bantayan mo muna itong nasa washing."
Pinigilan ko naman siya dahil kaya ko namang magluto.
"Ako na po. Ano po bang gusto niyong ulam?"
"Ikaw talaga. Gusto kong kumain ng may sabaw nak."
Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Mama. Hindi pa niya diniretsong sabihin na gusto niyang ipagluto ko siya ng paborito niyang sinigang.
"Ma, pwede mo namang sabihin na ipagluto kita ng paborito mong sinigang."
"Ikaw talaga. Sutil kang bata ka. Siya sige na. Magluto ka na doon. Hihintayin ko lang matapos itong nasa washing."
Bumalik na ako sa loob at nagsimulang magluto ng sinigang na baboy. Kumakanta kanta pa ako habang nagluluto.
Naghain na ako sa mesa nang matapos akong magluto. Tinirhan ko ng sinigang si papa para sa pag-uwi niya mamayang hapon.
Pumunta ako sa likod-bahay at nakita kong matatapos na si Mama sa paglalaba.
"Ma, kain po muna tayo. Mamaya na yan."
"Susunod ako nak. Mauna ka ng kumain."
"Nakahain na po ako."
Napatigil si mama sa paglalaba at tumayo.
"Bakit hindi mo agad sinabi? Tara na."
Nakangiti akong umakbay kay mama habang naglalakad kami papasok sa kusina. Tahimik lang kaming kumain ni mama. Naparami pa nga ang pagkain ni mama dahil paborito niya ang ulam.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Genç KurguCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...